^

PSN Opinyon

Nilusob daw ang BITAG! (Nang walang pasok)

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SABADO, Nobyembre 27, bandang alas-dose ng tanghali. Sarap ng upo ko sa aking family room habang nagkakape at kumakain ng ube halaya, nakaabot sa akin na may mga grupo raw ng nakamotorsiklo na nagra-rally sa aking opisina.

Sa videong ipinadala sa akin, tinatayang nasa 200 ang mga motorsiklong nakahambalang sa gitna ng Timog. Mari­rinig ang mga galit na galit na motoristang bumubusina dahil sa perwisyong dulot ng mga umaatungal na naka­motorsiklo.

Nakita sa video ang mga batang bitbit nila na kasamang nakikipagsigawan sa harap ng aming gusali na parang may ipinaglalaban. Nang dahil lang sa natawag ko silang gang, naghuramentado, nag-iiyakan na parang mga bata habang namemerwisyo sa kalsada at iba pang katabing establisimento.

Sa dulo ng video, nakita kung paano sila pinalayas ng mga rumespondeng pulis at SWAT.

Kawawang mga angry birds, walang nakausap sa aking tanggapan dahil Sabado, walang pasok. Walang napala. 

Wala akong problema kung mag-rally kayo, kung ipa­dama ang inyong galit at poot.  Karapatan n’yong ihayag ang inyong nakikita at nararamdaman, kung kayo man ay nabastos o nainsulto.

Pero sa susunod, make sure may permit kayo na mag-assembly para lehitimo ang inyong pagtitipun-tipon. Huwag n’yo na rin isama ang inyong mga anak, kawawa ang mga bata. One more thing, ‘wag naman ‘yung walang tao para siguradong makakaharap ako. Check our Facebook page para sa schedule ng aming pasok.

Bukas ang aking tanggapan para sa inyong mga leaders/elders. Walang problema kung pupunta sa aking opisina o padalhan n’yo ako ng sulat. Nang sa gayon ay magkaroon tayo nang maayos na sagutan sa pamama­gitan ng opisyal na komunikasyon o liham.

Simple lang, hindi ninyo makukuha sa bruskuhan, hindi uubra ang paspasan. Kung nais n’yo talaga ay ma­ayos na usapan, makukuha ‘yan sa pamamagitan ng pag­bibigay linaw.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with