^

PSN Opinyon

STL sa Cagayan, pinapasara ng PCSO dahil sa bilyones na utang!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Ipinapasara ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang Small Town Lottery (STL) sa Cagayan dahil sa hindi pagbabayad ng pagkakautang na umabot sa P1,035,133,520.25. Ayon kay Garma, nag-expire na ang agreement ng PCSO at Charity Games of Chance Corporation (CGCC) na mag-operate ng STL sa Cagayan at hindi na nag-isyu ang ahensiya ng Notice of Resumption dito. Ang ipinagtataka lang ni Garma, nag-isyu na siya ng dalawang notice of termination laban sa CGCC subalit hindi kumikilos si Brig. Gen. Steve Ludan, ang director ng Police Regional Office 2 (PRO2) na ipatupad ito.

Magkano...este ano kaya ang dahilan at parang tuod si Ludan sa patuloy na palaro ng CGCC na malinaw na ilegal gambling na? Bulag, pipi at bingi ang mga pulis sa PRO2 sa jueteng ng CGCC? Dipugaaaaa!

Kaya hiniling ni Garma kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na siya na mismo ang magpasara ng jueteng sa Cagayan, dahil hindi na ito saklaw ng PCSO. Hindi lang ‘yan, wala nang pakinabang ang gobyerno ni President Digong sa jueteng dahil wala namang pinapasok na share ng kita nito sa PCSO. Get’s n’yo mga kosa? Ipinaliwanag ni Garma na una siyang nag-isyu ng Notice of Termination sa CGCC noong Sept. 27, 2018 at sinundan noong Sept. 18, 2020.

Sa sobrang tagal ng niloloko ng CGCC ang gobyerno ni President Digong aba milyones na ang naidagdag nito sa utang nila sa PCSO. Mismooooo! Kaya ang patuloy ng jueteng operation ng CGCC sa Cagayan ay maliwanag pa sa sikat ng araw na walang approval at consent ng PCSO. Hihihi! Baka ang kapulisan at pulitiko ang nakikinabang sa jueteng sa Cagayan. Dipugaaaa!

Kaya naman pala malakas ang loob ng mga opisyales ng CGCC na linlangin ang gobyerno ni President Digong eh panay sila mga nagretirong heneral ng PNP at AFP at klasmeyt ng dating opisyal ng PCSO na si Gen. Alexander Balutan. Anong sey mo Gen. Ludan Sir? Kahit retirado na sila, maaring may clout pa sila o naging bata nila si Ludan o maging si Gen. Carlos din. Posible, di ba mga kosa? Kaya nag-aabang ang mga kosa ko sa Camp Crame kung kayang ipasara nina Carlos at Ludan ang jueteng sa Cagayan, ayon sa kahilingan ni Garma. Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with