^

PSN Opinyon

VP Leni babawiin ang Marcos ill-gotten wealth

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAPAKAGANDA ng campaign promise ni VP Leni Robredo­: kung papalarin siyang mahalal na presidente, aatupagin niyang mabawi ng gobyerno ang lahat ng sinasabing ninakaw na kayamanan ni yumaong Presidente Marcos.

Sa laki ng umano’y nakaw na yaman ni Marcos, sigu­radong bibilis ang pag-ahon ng bansa sa problemang pangkabuhayan nito. Sinasabing bumagsak ang ekono­miya at marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pangu­ngulimbat ng diktador.

Maganda ang agenda ni VP Leni. Pero may 35 years na ang lumipas nang mapalitan si Marcos. Ang unang umupong Presidente ay si Cory Aquino, asawa mismo ng political rival ni Marcos na umano’y pinapatay niya na si Ninoy Aquino. Nilikha ang Presidential Commission on Good Government na ang tanging gawain ay bawiin ang mga “ninakaw na kayamanan” ni Marcos. Mayroon namang kaunting nabawi. Kakaunti kumpara sa kabuuang halaga na sinasabing kinulimbat ni Marcos.

Sumunod ang iba pang presidente gaya nina Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at ang anak mismo ni Cory na si yumaong Presidente Noynoy Aquino. Hanggang ngayon, walang nabawi maliban sa barya-barya na nakumpiska mula sa mga negosyanteng crony ni Marcos.

Marami ang ayaw na maging presidente ang anak ni Marcos na si BBM. “Never again” ang sigaw nila. Pero bakit nangunguna sa rating ang nakababatang Marcos? Marahil dapat umaksyon ang pamahalaan, lalo na ang oposisyon­ para ipursige pa ang mga kaso na lahat ay nadismis na sa America para mabago ang desisyon ng hukuman at mapanagot ang dapat managot. Pero mukhang next to impossible na ito.

Ilantad ang lahat ng ebidensya at credible witness para man lang maibalik sa bansa ang umano ay nakaw na yaman. Hindi na kasi puwedeng ibilanggo si Marcos dahil nasa hukay na.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with