^

PSN Opinyon

Police colonel, pinisak ang mata ng PNCO sa Bicol!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Magsisilbing test case sa kakayahan ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na pamunuan ang PNP ang kaso ng isang lasing na police colonel na pumisak sa mata ng isang ordinaryong pulis sa Bicol. Kapag malamya ang aksiyon ni Carlos sa kinasangkutang kaso ni Col. Dulnoan Dinamling Jr., goodbye na lang sa lahat ng isinulong pa programa nina retired PNP chiefs Debold Sinas at Guillermo Eleazar. Hindi lang ‘yan! Hahatakin din ng kaso pababa ang imahe ng PNP, di ba mga kosa?

Kahit ano pa ang dahilan kung bakit hinampas ni Dinamling ng basag na kopita ang mata ni MSgt. Ricky Brabante, hindi ito makatarungan. Wala naman sa “serve and protect” battlecry ng PNP na kapag nagkasala ang PNCO ay pagbubuhatan ng kamay ito ng kanyang superior officer. Puwede lang ay kasuhan sila, di ba mga kosa? Tumpak! Dipugaaaaa!

Nag-ugat ang insidente sa birthday party ni Col. ­Clarence Gomeyac, ang hepe ng RMFB5 noong Nob. 12. Nagkainuman sa RMFB headquarters sa loob mismo ng Camp Ola sa Legaspi City at isa sa panauhin ay si Dinamling. Puwede na pala mag-inuman sa loob ng police headquarters sa liderato ni Carlos? Tanong lang po! Sa pagkaalam ko kasi bawal ito noon pang panahon ni ret. Gen. Oscar Albayalde.

Inabot ng umaga ang inuman at isa si Brabante sa nag-ayos ng mga kalat sa RFMB headquarters. Hindi pa malaman ang dahilan kung bakit nagalit si Dinamling at hinampas ng basag na kopita ang kanang mata ni Brabante. Hayun! Hindi na nakuhang ayusin ng doktor ang mata ni Brabante at habambuhay na n’yang iindahin ang masaklap na karanasan niya sa malufet na kamay ni Dinamling. Grrrrrrr! Dipugaaaaa!

May pampalubag loob naman si Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang PRO5 director, at sinagot niya ang lahat ng gastusin ni Brabante sa ospital. Nangako rin si Estomo na hindi siya magiging hadlang sa anumang desisyon ni Brabante laban kay Dinamling, ang hepe ng AVSEGROUP 5. Inirekomenda ni Estomo ang pag-relieve kay Dinamling at sinibak din ang bata niya na si Gomeyac, dahil bawal nga ang inuman sa police headquarters. Dipugaaaaa!

Nagbuo ng SITG Brabante si Carlos para alaming maigi ang kaso. Kaya lang, paano magkaroon ng patas na imbestigasyon sa kaso ni Brabante kung ang mga miyembro ng SITG ay kaklase o junior officers ni Dinamling? Dapat sigurong ang Internal Affairs Service (IAS) ang mag-imbestiga sa kaso para mapabilis ang pagka-dismiss kay Dinamling, di ba mga kosa? Kapag mga PNCO ang sangkot sa kaso, mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsibak sa kanila subalit kapag opisyal ay kinakanlong pa ng PNP leadership? Tsk tsk tsk! Teka nga pala Gen. Carlos Sir!  Sino sina Jun Cruz at Magdaluyo? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with