^

PSN Opinyon

DFA Sec. Locsin, suportado si Eleazar!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Inulan ng suporta ng mga Pinoy ang kandidatura ni retired PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagkasenador. Maging si Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin ay nagsasabing ang pagpasok ni Eleazar sa pulitika ay ang Pinas ang panalo dahil dadalhin niya ang reporma na inilatag niya sa PNP sa buong bansa.

“I won’t wish you luck Gen. Eleazar. The victory of a man of your quality shouldn’t be left to luck. I wish our country luck that you win,” ani Locsin. “You showed it can be done: Police power as it should be to achieve its purpose of public’s security and society’s peace,” dagdag pa ni Locsin sa kanyang Twitter post.

Kung sabagay, hindi lang si Locsin ang nagbigay suporta­ sa pagtakbo ni Eleazar kundi marami pang Pinoy sa lahat ng antas ng pamumuhay. Kaya sa darating na Mayo 9, ire­serba n’yo na mga kosa ang isang slot sa 12 Senador kay Eleazar ha? Hihihi! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Sa kanyang liderato ng PNP, maraming proyekto na ipi­natupad si Eleazar na naging daan para mabilis na nanum­balik ang tiwala ng mga Pinoy sa kapulisan. Inamin ni ex-PNP chief na mahirap itong panibagong hamon na kan­yang haharapin subalit iginiit n’ya na wala namang madali sa pakikibaka sa buhay.

Nang usisain kung bakit nagdesisyon s’yang pasukin ang pulitika, ito ang tugon ni Eleazar: “Napakadaling sabihin na kaya gusto kong tumakbo ay para makatulong sa ating­ mga kababayan at ipagpatuloy ang pagsisilbi bilang ling­kod bayan. But for me, it all boils down into the deep con­nection between the real motivation and the capability to deliver from that motivation.” Dipugaaaaa!

Si Eleazar ay tatakbo sa Partido Reporma ni standard bearer Ping Lacson, na ni-recruit s’yang pumasok sa puli­tika dahil nakita na may potential s’ya bilang public ser­­vant. Subalit tinapos ni Eleazar ang termino n’ya bilang PNP chief at nagdesisyon lang na tanggapin ang bagong hamon­ sa buhay matapos sumang-ayon ang pamilya sa plano n’ya. Tumpak! Dipugaaaaa!

Sa 34 years niyang pagserbisyo sa bayan, nakita ni Eleazar ang lahat ng uri ng problema kaya handa na siyang tugunan ang hinaing ng mga Pinoy, lalo na ‘yung masyadong naapektuhan ng pandemya. «Kaya nga sa nakalipas na anim na buwan ay talagang naging sensitibo ang PNP sa mga hinaing ng ating mga kababayan subalit limitado lamang ang kayang gawin namin noon sa PNP,” ani Eleazar. Subalit kapag senador na siya, isusulong ni ELeazar ang mga legislative agenda para gumanda ang peace and order at ekonomiya ng bansa. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with