^

PSN Opinyon

Finding King-Kong Barbie…

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

May kasabihan na “customer is always right.” Pero ako’y naniniwala na hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ito.

Walang karapatan ang sinumang kostumer na mang-insulto at manakit ng mga manggagawang nagbibigay lamang ng serbisyo.

Kasalukuyang pinaghahanap ng BITAG ang isang lalaking naka-Philippine Army athletic uniform na naglalagi sa Tatalon, Quezon City,

Nakuhanan sa CCTV ng salon na kanyang pinagpagupitan kung paano niya tinadyakan at dinagukan ang pobreng hair stylist. Kitang-kita sa video ang pagtilapon ng biktima nang dumapo ang paa ng customer.

Dahil hindi alam ng nagrereklamo ang pangalan ng nagpakilalang “sundalo” raw, binansagan siya ng BITAG na King-Kong Barbie. Sa laki ng katawan ng kumag na parang si King-Kong, ang pobreng LGBT na hair stylist lang ang kanyang kaya.

Ang dahilan ng kanyang pananadyak, hindi nagus­tuhan ang “style” ng kanyang gupit. Masahol pa kay Barbie ang kaartehan ng hinayupak. Uploaded sa BITAG OFFICIAL YouTube Channel ang pagmumukha at hubog ng tarantadong customer na nagpakilalang sundalo.

Pinaghahanap namin ang taong ito at naglaan kami ng P15,000 bilang pabuya sa makapagtuturo o makakapagbigay ng tamang impormasyon sa taong ito.

Ako’y nananawagan na rin sa Armed Forces of the Philippines, baka sakaling makilala ng inyong tanggapan ang abusadong putok sa buho na ito. Para mabig­yan ng hustisya ang kanyang pananakit sa biktima.

Walang puwang na makihalubilo sa mapayapang lipu­nan ang taong ito na basta na lang nananakit ninuman. Hindi asal army ang gunggong na ito. Ibalato n’yo na sa akin si King-Kong Barbie para maintindihan niyang he is not above the law.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with