^

PSN Opinyon

Game na!

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Napagod ako. Lahat yata tayo ay pinawisan sa drama ng paghahabol ng deadline para makapag-file ng kandidatura. Ngayong nakakasa na, hindi na kailangan pang sariwain ang mga dinaanang pasikut-sikot bagkus ay oras nang mag-focus sa darating na kampanya.

Sinuman ang kursunada, malinaw na tayong mga botante ay sinuwerte. Mas maraming kandidato, mas mara­ming pagpipilian. May kanya-kanyang puntos ang bawat isa at nariyan din ang kanilang kakulangan. Kaya sa kanilang plataporma magkakatalo para doon sa naghahanap ng dahilan para sumuporta.

Malaking bagay din ang mga nakapaligid kapag pre­sidente ang pipiliin. Ilang administrasyon na ang nakadaan na iniangat ng kalidad ng mga tau-tauhan o ‘di kaya’y nasira dahil sa kanilang kakulangan.

Sa eleksiyong ito, tila may kabuluhan din ang kaalya­dong mga kongresista at senador para mabasa natin ang kalibre ng pamunuang maaring asahan. Halimbawa na lang: kapag si Mayor Sara Duterte ang manalo, pihadong si dating president Gloria Macapagal-Arroyo ang maupo bilang speaker at ang Lakas-CMD ang may poder. Kung si Mayor Isko Moreno naman, si Senador Ralph Recto ang tinatayang ilalagay na Speaker.

Maaaninag na rin ang mga mapipiling cabinet member ng mga kandidato. Kay Mayor Isko, sigurado nang may Dr. Willie Ong na mamumuno sa larangan ng kalusugan.

Tapos na ang drama ng filing at oras na para magka­alaman ng kung ano ang maaasahan natin sa mga nag­lalakas loob. May mga batikan na sa serbisyong nasyonal­ tulad nina Leni Robredo, Bong Bong Marcos, Ping Lacson, Bong Go, Tito Sotto at Kiko Pangilinan. Ang iba nama’y bagong salta at ngayon lang talaga masisilayan ng bansa: Isko Moreno, Sara Duterte at Willie Ong.

Sabik na ang lahat para makilala ang mga seryosong kandidato na nagpiprisintang manilbihan at mamuno sa atin sa darating na anim pang taon.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with