^

PSN Opinyon

Aktor, may 2 mamahaling sasakyan sa Quezon City warehouse?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

May semplang ang isang aktor kapag natuloy na kumpiskahin ng Bureau of Customs (BoC) ang mga mamahaling sasakyan na hinila sa isang warehouse sa Quezon City. May isang buwan na halos ang raid subalit ang hindi maintindihan ng mga kosa ko sa Camp Crame ay bakit hindi mapangalanan ng National Bureau of Investigation (NBI) at BoC ang mga personalities na sangkot sa sasakyan o maging sa P50 milyon coins.

Kaya lumalakas ang ugong sa kalye na nagkaayusan na at tinatawagan ang atensiyon ni President Digong para makialam at alamin ang hiwagang bumabalot sa kaso. Hindi naman malayo na magkaayusan dahil maraming pera ang may-ari ng warehouse at mga coins, di ba mga kosa? Pera-pera lang ‘yan! Mismooooo! Dipugaaaaa!

Humahangos na nagreport si kosang Al na dalawa sa nakumpiskang sasakyan ay pag-aari ng aktor na bagyo ang dating noong panahon ng Aquino administration. Ang ibang sasakyan ay pag-aari ng gambling lord na si alyas Oyabak, na naka-base sa Calabarzon at may-ari ng warehouse. Ayon pa kay kosang Al, ang mga sasakyan ay dispalinghado ang mga papeles, kaya ang balak ng BoC ay kumpiskahin na ang mga ito.

Lumalabas sa mga kuro-kuro sa kalye na ang mga sasakyan ay dinala sa bansa gamit ang southern backdoor sa Mindanao, kung saan doon din ipinarehistro ang mga ito. ‘Ika nga, nakaiwas ng bayad sa BoC ng Customs duties and taxes si aktor at si gambling lord. Subalit sa ngayon, mukhang seryoso na ang BoC na hindi lang kumpiskahin ang mga mamahaling sasakyan kundi kasuhan pa sina aktor at gambling lord. Owwwww! Hihihi!

Maniniwala ba kayo mga kosa na makakasuhan itong gambling lord na sobrang yaman na at ang aktor? Himala pag nagkataon. Tumpak! Dipugaaaaa!

Sinabi pa ng mga kosa ko na napipintong mabaklas ang jueteng ni gambling lord sa hawak na probinsiya noong nakaraang administrasyon subalit sinalba s’ya ni aktor sa pamamagitan ng pagkausap sa isang sikat na miyembro ng Aquino family. Napagbigyan naman ang aktor kaya’t nanatili sa puwesto n’ya si gambling lord hanggang ngayon.

Kilala kaya ni PRO4A director Brig. Gen. Ely Cruz si Oyabak? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kung sabagay, dati-rati jueteng ang lakad ni gambling lord subalit sa ngayon ay Small Town Lottery (STL) na kaya legal na siya, di ba PCSO General Manager Royina Garma Ma’m?

‘Wag kayong kukurap sa kaso ng warehouse mga kosa dahil t’yak may moro-morong mangyayari kapag gumalaw na ang milyones ni gambling lord. Mismooooo! Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with