^

PSN Opinyon

Sino ang padrino ni Gen. Carlos?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Congratulations kay Lt. Gen. Dionardo Carlos, ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP). Marami ang nagtaas ng kilay sa pagpili ni President Digong kay Carlos na pamunuan ang 220,000-strong PNP. Mahigit lima kasing binabanggit na kandidato na papalit kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, na magreretiro sa edad na 56 sa araw na ito, at bihira na mabanggit ang pangalan ni Carlos. Happy birthday pala Gen. Eleazar Sir!

Sa totoo lang, namaga ang taynga ni President Digong sa kabubulong ng mga padrino ng mga kandidato at mukhang sa galit niya ay hinayaang si Interior Sec. Eduardo Año ang mamili ng kapalit ni Eleazar. At sa kasamaang palad ang kamay na bakal ni Año ay naituro si Carlos. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Subalit nang maupo bilang The Chief of Directorial Staff (TCDS) si Carlos, lumalakas ang suspetsa ko na maging chief PNP siya. Bakit? Kasi nga, tuwing may reshuffle ang PNP, napupuna ko na palaging napo-promote si Carlos. Hindi naman malakihan ang mga puwesto na inupuan niya kaya lang dahan-dahan siyang umaangat at walang pumapansin sa kanya. Kung sino man ang nasa likod ng pag-angat ni Carlos sa PNP ladder, aba sobrang galing niya. Tahimik lang si Carlos at subsob sa trabaho.

Kaya nabanggit ko kay Brig. Gen. Rolando Anduyan, ang hepe ng PRO10, ang walang ingay na promotion ni Carlos at kung may ‘‘linya’’ siya kay President Digong. Tumango naman si Anduyan. Sino ang padrino ni Carlos? Secrettttt!!!! Hanggang sa last minute, kampante si Anduyan na si Carlos nga ang papalit kay Eleazar. Nais ko namang alisin sa isipan­ n’yo mga kosa na sa pagbanggit ko kay Anduyan ay para ilapit siya kay Carlos. Hindi po, dahil mag­reretiro na si Anduyan sa Nobyembre 25. Hihihi! Sayang kung puwede sanang ba­wasan ang edad ni Anduyan baka makapuwesto siya nang maganda sa liderato ni Carlos, no mga kosa? Dipugaaaaa!

Si Carlos, na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) ‘‘Maringal’’ Class of ‘88 ay ika 27th PNP chief. Gaya ni Eleazar, tubong Quezon din si Carlos. Si Eleazar ay taga-Tag­kawayan samantalang si Carlos ay taga-Lucena City. Kaya nagbubunyi na naman ang taga-Quezon sa ngayon, lalo na si kosang Gemi Formaran, na tiyak hindi makalimutang mag-post sa social media ng pics nila ni Carlos. Hihihi! Anong sey mo Napolcom Vice Chairman Vitaliano Aguirre Sir? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with