^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Fuel subsidy sa PUV drivers, nasaan na?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Fuel subsidy sa PUV drivers, nasaan na?

Nasaan na pangakong fuel subsidy sa mga drayber ng pampublikong sasakyan. Sabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong nakaraang linggo, inihahanda na raw ang subsidy. Naglaan daw ng P1 bil­yong pondo ang pamahalaan para ayuda sa mga drayber ng pampublikong sasakyan na apektado ng mga serye ng oil price hike. Anong nangyari at hanggang ngayon, wala pa ang ayuda?

Hindi kaya tumamlay na ang pangakong ayuda dahil nag-rollback ang presyo ng diesel at gasolina noong Martes at sa susunod na linggo ay meron pa uling bawas?

Ang nakapagtataka, mas maliit ang rollback kaya sa pagtataas. Noong nakaraang linggo, ang bawat litro ng gasolina ay tumaas nang mahigit P1.00. At noong Martes, nagro-rollback lang ng kapiranggot.

Dapat nang maibigay ang subsidy sa mga drayber para naman matulungan sila sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi pa natatagalan nang sila ay muling­ makapamasada dahil sa sunud-sunod na lockdown at ngayon, ang pagtaas naman ng gasoline at diesel ang kanilang pinapasan.

Sa 10 sunud-sunod na pagtaas ng petroleum pro­­ducts, wala nang naiuuwing kita para sa pamilya ang mga drivers. Ang isa pang problema, limitado ang pasahero nila. Kaya nang ipag-utos ng IATF na dagdagan ng 70 percent ang kapasidad ng mga pam­publikong sasakyan, natuwa sila. Kikita na rin sila kahit paano. Ganunman, ka­ilangan pa rin nila ang ayuda mula sa pamahalaan.

Isa rin naman sa maaaring gawin ng pamahalaan para lubusang mabawasan ang pasanin ng mga driver ng pampublikong sasakyan ay ang pagsuspende sa excise tax na ipinapataw sa mga produktong petrolyo. Mas madali itong gawin kaysa mag­hanap ng pondong pang-ayuda sa drivers. Nak­a­saad naman sa TRAIN law na kapag tumaas ng $80 bawat bariles ng langis, maaaring suspendihin ang buwis.

Ibigay na ang subsidy sa PUV drivers o suspendihin ang tax sa petrolyo. Kailangang magpasya ang pamahalaan. Kailangang kumilos nang mabilisan para matulungan ang mga apektadong drayber na nagrerebelde ang mga bituka.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with