^

PSN Opinyon

Digong dapat magretiro na

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang pagiging Presidente ng bansa ang pinakarurok ng political career ng isang pulitiko. Kapag narating na ito, hindi na dapat bumaba sa anumang lower elective position ang isang ex-Presidente. Siya ay dapat nang ikonsiderang senior statesman. Kung baga sa artistang laging nabibigyan ng pinakamataas na award, dapat siya ay isa nang hall of famer.

Para sa akin, nakahihiya ang isang dating Presidente na tatakbo pa sa mas mababang posisyon matapos ang kanyang termino. Ang unang gumawa niyan ay si dating President Joseph Estrada na naging Presidente na ay kumandidato pa at nanalong Mayor ng Maynila.

Kahit hindi natapos ni Estrada ang kanyang presiden­tial term dahil siya’y napatalsik ng tinatawag na EDSA dos, ex-President pa rin siyang maituturing. Sinegundahan si Estrada ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo na tumakbo at nanalong representante ng Pampanga. Sabihin mang may mga precedent na, nakakahiya pa rin ito dahil tila ipinakikita ang pagkahayok ng pulitiko sa kapangyarihan.

Nung una, kinonsidera ni President Duterte na tumakbong Vice President pero salamat na lang at umatras siya. Pero sa ngayon, may mga umuudyok sa kanya na kumandidato sa pagka-senador dahil tiyak daw na mananalo siya.

Naniniwala akong mananalo si Duterte dahil sa rami ng mga sumusuporta pa rin sa kanya. Pero sa paningin ko at ng iba, nakakahiya ito. Ang naging Presidente na ay tinatawag pa ring Presidente kahit tapos na ang termino bilang paggalang. Bakit itatapon mo ang marangal na pribilehiyong ito?

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with