^

PSN Opinyon

Katangahan, kabalbalan, kapulpulan sa namaril na kagawad sa Laguna (Part 2)

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakausap ko si Maj. Davy Hebron, police chief ng Calauan, Laguna. Pinagbigyan ko pa ang kanyang kahilingan na off the air muna ang aming pag-uusap.

Iba ang kanyang sinasabi sa mga tao ko at iba ang sinasabi niya sa akin. Aba’y nakakaloko ‘to. Nakikiusap agad sa umpisa na huwag ko raw banatan.  Wala pa akong tanong tila guilty na sa kanilang kapalpakan.

Umayos ka Major, Unfiltered kong sasabihin sa iyo, kung walang kang itinatago at pinagtatakpang kabalbalan, magkakaigi tayo. Hindi ko istilo ang bumanat, trabaho ko na ilantad ang kamalian, katiwalian at iregularidad sa sistema.

Kung ginawa mo nang tama ang trabaho mo, pupirihin kita. Pero kung mali ang trabaho mo, pasensiya ka dahil malilintikan ka. Lilinawin ko, hindi ako kalaban ng mga matitinong pulis. Katuwang ang BITAG ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang programang “paglilinis.”

Itong si Kagawad Teofilo Alcantara Umali positibong kinilala ng mga nabaril na biktima habang tinatanong ng mga pulis mo sakay ng ambulansiya papuntang hospital.

Ngayon Major Hebron, kung sinasabi mong hearsay ito, may problema ka. Hindi hearsay ‘yan, hindi galing sa tsismosa mong kapitbahay. Nagmula mismo sa bibig ng mga naghihingalong biktima, putok sa buho kayo!

Hawak n’yo na ang suspek sa loob ng barangay sa halip na dinala n’yo agad sa presinto para maisagawa ang tamang pag-iimbestiga, bakit pinakawalan n’yo pa?  Hindi n’yo inaresto bagkus inimbitahan lang kahit na itinuro na mismo ng mga biktima at saksi si Umali.

Sinong hindi iinit ang ulo dito? Matinding inhustisya ang sinapit ng mga biktima. Hindi ko alam kung totoo, subalit may nakaabot sa akin na may tumawag  sa tanggapan mo hinggil kay Umali? Kaya ba siya pinakawalan agad?

Tinawagan din ng BITAG ang opisyal na kinakaladkad ni Umali. Hindi maganda ang kanyang mga naging kasagutan.

Abangan ang part 3!

vuukle comment

LAGUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with