^

PSN Opinyon

Makati, proud resilience champion at model city

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nakaka-proud sabihin na maagap at masusi ang pag­paplano at paghahanda ng lungsod ng Makati para sa mga disaster at iba pang emergencies.

Ang disaster preparedness at risk reduction management­ ay isa sa pinaka-advanced na programa ng aking admi­nis­trasyon. Kasabay ng pag-iinvest sa moderno at life-saving­ equipment, patuloy din ang pag-aaral at pagsa­sanay ng ating first responders para sa mas mabilis at epektibong pagtugon kapag may mga ‘di-inaasahang pang­ya­yari tulad ng lindol o sunog.

Ang kahandaan sa panahon ng disaster ay susi sa pagiging resilient at disaster-proof ng isang siyudad o bansa. Maaaring hindi natin maprotektahan ang lahat ng pisikal na assets tulad ng mga bahay, building, at negosyo­, ngunit matitiyak natin ang kaligtasan ng buhay at pagpa­patuloy ng pagbibigay ng serbisyo at paggana ng lokal na pamahalaan.

Sa panahon ng sakuna, mas kawawa ang mga mahihirap. Isa ito sa mga bagay na sinisikap baguhin at ituwid ng aking administrasyon. Dapat ay pantay-pantay tayo pag­dating sa pagiging maalam at handa.

Ang prinsipyong ito ang naging gabay natin sa pagbuo ng Makati DRRM Plan for 2019 to 2030, na naka-align sa Sustainable Development Goals, Sendai Framework for Disaster Risk Reduction, at Paris Agreement.

Nais ko ring i-share na ang Makati ang kauna-unahang lungsod sa isang third-world country na nakabuo ng pre-di­saster recovery plan. Bukod pa dito ay fina-finalize na rin ang Makati Public Service Continuity Plan na tunay ding mahalaga para sa resilience and sustainability ng ating lungsod.

Hindi lamang sa Makati prayoridad ang resilience. Sa ibang mga siyudad at bansa sa buong mundo ay naging pundasyon na ito ng mga polisiya at programa ng kanilang lokal na pamahalaan. Maraming mga siyudad ang may mga kahanga-hangang programa.

Pinag-aaralan ng Makati ang kanilang best practices at pinagsusumikapang tularan at pantayan.

Sa bagong-lunsad na Making Cities Resilient 2030 (MCR2030), kabilang na sa  Stage C ang Makati, o ang pinakamataas na lebel ng commitment. Ibig sabihin nito ay meron na tayong malakas at detalyadong programa para sa disaster risk reduction, resilience, at sustainability.

Inaanyayahan ko ang kapwa ko local leaders na makibahagi sa MCR2030 para maitaguyod ang handa at matatag na komunidad at mamamayan.

Welcome din kayong makipag-ugnayan sa aking tanggapan kung nais ninyong ibahagi sa inyo ang aming mga natutunan tungkol sa resilience, sustainability, at climate action.

Mahaba man ang proseso ng pag-aaral at pagpaplano, naniniwala ako na worth it ang lahat ng pagsusumikap na ito.

Aanihin ng mga susunod na henerasyon ang bunga ng ating mga itinanim na programa at polisiya. Higit sa lahat, iiwanan natin ang ating mga anak at apo ng isang mas handa, mas malakas, at matatag na kinabukasan.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with