^

PSN Opinyon

Pinawalambisa ang pangalawang kasal

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Part 1)

Sina Tessie at Eddie ay ikinasal ng kura-paroko ng kani­lang bayan noong Set. 30, 1942. Nagkaroon sila ng apat na anak. Sila ay sina: Cardo na isinilang noong Marso 3, 1943; Andy noong Agosto 2, 1948; Millie noong Hulyo 6, 1950 at Jun, Disyembre 5, 1952.

Labindalawang taon pagkatapos nilang magpakasal ay nilayasan ni Eddie ang pamilya at hindi nagpakita man lang sa kanila. Apat na taon ang nakalipas bago naba­litaan ni Tessie at mga anak na nasa isang siyudad sa timog si Eddie at nakikisama kay Vangie. Namatay ang babae at wala silang naging anak.

Dalawampu’t limang taon mula nang lisanin ni Eddie ang kanilang tahanan ay nalaman ni Tessie na muling nagpakasal ang mister sa ibang babae, si Gina na pinakasalan nito noong Marso 30, 1979 sa isang simbahan sa siyudad kung saan nakatira ang lalaki.

Pagkamatay ni Eddie, saka naisipan ni Tessie na mag­sampa ng reklamo para ipawalambisa ang kasal nito at tuloy nagsampa na rin siya ng petisyon para habulin ang karapatan ng mga anak sa mga ari-arian ng lalaki.

Sa paglilitis, tumestigo si Tessie tungkol sa pagpapakasal niya kay Eddie sa isang seremonyas na ginanap sa simbahan na ginawa mismo ng kura-paroko nila.

Tumestigo rin si Lina na kapatid ni Eddie at nakasaksi mismo sa kasal. Naging testigo rin si Cardo na panganay na anak ng mag-asawa at nagsumite ng ebidensiya na pru­weba ng kasal tulad ng kanyang birth certificate na nakalagay ang kanilang mga pangalan.

Ang kasamiyento lang ng kasal ang wala dahil ang mga rekord ng civil registrar ay nasunog noong World War 2.

Sa kabilang banda, si Gina ay tumestigo tungkol sa kasal nila ni Eddie noong Marso 23, 1979, sa buhay niya bilang isang maybahay at sa pag-aalaga niya sa mister noong mahina na ang katawan nito. Ayon daw sa pagkakaalam ni Gina ay hindi naman talaga asawa ni Eddie si Tessie kundi kinakasama lang dati. Pinakita niya ang marriage contract nila ni Eddie pati isang salaysay na ginawa ng lalaki patungkol sa pagiging binata nito at ang pakikipaglive-in kay Tessie pati isang certificate mula sa local civil registrar na may record ng kasal nila.

(Itutuloy)

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with