^

PSN Opinyon

Suporta ng pribadong sektor, ramdam na ramdam sa Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Madalas kong banggitin at ipagmalaki ang napakagandang relasyon ng pamahalaang lungsod ng Makati at ng pribadong sektor, lalo na ang mga kompanya at negosyong naka-base sa ating lungsod.

Hindi lamang sa pagbabayad ng tamang buwis at pagbibigay ng mga bagong trabaho sila maaasahan, kundi pati rin sa pagsusuporta sa ating mga proyekto para sa lungsod at pagsunod sa mga panuntunan at ordinansa. Bago pa nagkapandemya, marami nang makabuluhang partnership ang naisaga wa natin. Isa na rito ang tagumpay na pagpapatupad ng dualized educational system sa University of Makati (UMak) sa loob ng maraming taon dahil sa suporta at kooperasyon ng ating industry partners. Nagbigay-daan ito sa mga oportunidad upang mahasa nang husto ang talino at kakayahan ng mga mag-aaral ng UMak hanggang sa sila ay makapagtapos. Dahil dito, mas madali silang nakakapasok sa trabaho sa alinmang industry partners ng lungsod pagka-graduate.

Mapa-lokal na kompanya o multinational corporation na naka-base sa lungsod, naging katuwang na natin sa maraming programa, proyekto at aktibidad. Simula nang magkapandemya, patuloy pa rin ang suportang ibinibigay ng pribadong sektor sa lungsod sa iba’t ibang paraan. Kabi-kabila ang mga donasyon ng PPE, pagkain at iba pang kagamitan para sa ating frontliners, na malaking bagay sa pananatili nilang ligtas at malusog habang naglilingkod sa Makatizens. Mabilis ding naitatag ang accessible vaccination sites ng Bakuna Makati sa ilang mall, kabilang ang Vax OTG na unang-unang drive-thru vaccination site sa bansa, dahil sa kahandaan ng mall owners na makipagtulungan sa atin.

Nitong nakaraang linggo, muling ipinadama ng ilang kompanya ang pagmamahal at malasakit sa Makati at sa mga mamamayan nito. Ang Bench (Suyen Corporation) ay nagpaabot ng kanilang donasyon na 1,000 doses ng vaccine bilang suporta sa ating Bakuna Makati program. Nagbigay naman ng 34 air purifiers ang Panasonic na ilalagay sa vaccination site sa Ayala Circuit Mall. Ang Panasonic nanoeTM Technology air purifier at generators ay nakakatulong sa pagpatay ng COVID-19 virus kaya mapapanatiling ligtas ang mga vaccination area. Nauna rito, nagdonate din ang Eastwest Bank ng 1,000 doses ng vaccine at ang GT Holdings ng 3,000 doses ng vaccine. Ang Shopee naman ay nagbigay ng 10 units ng air purifier.

Muli’t muli, nagpapasalamat ako sa mga kompanyang patuloy na sumusuporta sa ating adhikaing maging COVID-free ang Makati sa kani-kanilang paraan. Napakahalaga ng bawat tulong na ibinibigay ng pribadong sektor lalo na’t hindi pa rin tapos ang ating laban.

Bagamat marami na ang nabakunahan at bumababa na ang infection rate sa ating lungsod, hindi dapat maging kampante at maging maluwag sa pagpapatupad ng health and safety requirements. Kailangan pa rin nating maging maingat para sa ating kalusugan at sa kalusugan ng ibang tao sa ating paligid, sa tahanan man o sa trabaho, pati na sa mga establisimentong pinupuntahan ng publiko.

Sa ngayon, nararamdaman na natin ang unti-unting pagsigla ng ekonomiya at ang panunumbalik ng mga negosyo at establisimento sa Makati. Salamat sa kooperasyon, tulong, at tiwala ninyong lahat sa aming pamumuno at pamamahala.

Abot-kamay na natin ang pangarap na pagbangon mula sa pandemya. Sama-sama tayo – mga lingkod-bayan, mamamayan, at pribadong sektor sa pagsusulong ng bagong yugto sa kuwento ng Makati.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with