^

PSN Opinyon

Maagang vote buying

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Binabatikos si Senador at Presidential hopeful na si Manny Pacquiao dahil sa pamamahagi niya ng tulong pinan­­syal sa mga mahihirap. Sa kabila ng katakut-takot na pagtuligsa, tiniyak ni Pacquiao na hindi siya maglulubay sa pagtulong sa mga mahihirap.

Kapag naipinta ng isang pulitiko ang sarili sa bilang taong madaling lapitan at hingan ng tulong pinansyal, tiyak madali nitong makukuha ang boto nila anuman ang posisyong hinahabol ng isang kandidato. Malinaw ang pakay ni Pacquiao. Dahil wala pa namang campaign period, hindi pa maituturing itong pamimili ng boto.

Hanga ako sa TV host na si Willie Revillame. Matagal na niyang na-establish ang kanyang personahe bilang taong walang habas sa pamamahagi ng milyun-milyong piso sa kanyang programa sa telebisyon. Kaya maaga pa lang ay pinipilahan na sa istasyon ng telebisyon ang kan­­yang palatuntunan.

Hindi mo masisisi ang mga taong ito na kabilang sa tinatawag na pinakamahirap sa mga mahihirap na nagbabakasakaling palarin at maging instant millionaires.

Kaya nang alukin siya ng administrasyon na maging bahagi ng senatorial ticket nito, pinag-isipan niya itong mabuti at hindi naglaon ay tinanggihan niya ang alok. Sigu­radong mananalo siya porke sandalan siya ng mga taong naghihikahos sa buhay. Pero paano kung manalo siya at mapipilitang umalis sa programa, saan siya kukuha ng mga sponsor para ipagpatuloy ang pamamahagi ng mil­yones? Marunong mag-analisa si Willie.

Naiisip kaya ni Pacquiao na kahit bilyones ang hawak niyang salapi ay maubos din ito kung ipamumudmod niya sa lahat ng mahirap lalo pa’t itutuloy niya ang pagpapa­tayo ng libreng pabahay sa mga dukha? Maganda ang layunin ni Pacman Ngunit paano ito ipagpapatuloy kung maubos ang kanyang resources?

vuukle comment

VOTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with