^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasaan ang uniform vaccination cards?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nasaan ang uniform vaccination cards?

Sabi ng Department of Information and Commu­nications Technology (DICT), ilalabas nila ang uniform vaccination cards noong Agosto. Pero nag­daan ang Agosto at Setyembre, walang vaccination cards na naiisyu sa mga bakunado, partikular na sa mga overseas Pinoy workers. Mas kailangan ng OFWs ang lehitimong vaccination cards dahil hindi sila tatanggapin sa bansang pinagtatrabahuhan. Mahalaga ang pagkakaroon ng vaccination cards na iisa ang source sapagkat dito makikita na bakunado na ang holder. Mapipigilan din ang pagpeke sa vax cards. Sa kasalukuyan maraming namemeke hindi lamang ng vax cards kundi pati ang resulta ng RT-PCR tests. Kung noon ay mga pekeng diploma at transcript ang penepeke sa “Recto University”, nga­yon ay vax cards at COVID tests.

Mapipigilan lamang ang pamemeke sa vaccination cards o pati na COVID tests kung mayroon nang uniform vaccination cards na galing DICT. Ang DICT ang nangangasiwa sa genuine vaccination cards na kikilalanin maski sa ibang bansa. Kung may uniform vaccination cards wala nang magiging problema ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagba­balik nila sa bansang pinagtatrabahuhan.

Maraming nagtataka kung bakit wala pang iniisyung­ vaccination cards ang DICT. Ang pagkakaroon ng uniform vax cards ay isa sa mga requirements ng IATF. Ang pangako sa pag-iisyu ng vax cards ay isinabay sa paglagda ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 noon pang Pebrero.

Lubhang mahalaga sa OFWs ang uniform vax cards sapagkat hindi sila makakabalik sa pinagta­trabahuhan hangga’t walang vaccination card na iisa ang source. Una nang sinabi ng ilang bansa na hindi tatanggapin ang vaccination cards na inisyu ng local government units (LGUs). Halimbawa ay ang Hong Kong na unang naghigpit sa vaccination card. Noong nakaraang buwan, 3,000 Pinay workers ang hindi agad nakabalik sa Hong Kong dahil sa isyu ng uniform vax cards.

Bakit naaantala ang pag-iisyu ng vax cards? Ano ang problema ng DICT?

May problema ba ang local government units (LGUs) na nagsusuplay ng impormasyon ukol sa mga ba­ku­nado? Sabi ng LGUs noon, na ipo-provide nila ang lahat ng impormasyon ng mga nabakunahan para maging mabilis ang pagkakaroon ng data base ng mga bakunado

Masyado bang abala sa pulitika si DICT Sec. Gre­gorio­ Honasan kaya wala pa ang vax cards? Dapat kumilos ang mga tauhan niya.

vuukle comment

DICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with