^

PSN Opinyon

Governor, anak na abogado, idinemanda

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan, naisulat ko ang reklamo ng isang 18-anyos na rape victim ng isang konsehal na umano ay inalok siya ng isang abogadong padala ni Quezon Governor Danilo Suarez na mag-urong ng demanda kapalit ng halagang P3-milyon bagay na tinanggihan ng biktima at ng ina nito.

Nabalitaan ko na ang grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. sa pamumuno ni Prop. Salvador Singson-de Guzman na sinampahan ng mga kasong accessory to the crime of kidnapping and serious illegal detention with rape, ang mag-ama sa tanggapan ng Ombudsman.

Sa ilalim ng paragraph (e) sa Section 3 ng Republic Act 3019 o anti-graft and corrupt practices act si Quezon Governor Danilo Suarez at anak niyang abogado ay may pananagutan sa batas.

Ayon kay Prop. De Guzman bukod sa mga kasong criminal, sinampahan din si Governor Suarez at anak niyang si Atty. Joana Suarez ng mga kasong administratibo na kinabibilangan ng Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, Dishonesty, Oppression, and Violation of Paragraph (a,b and c) sa bisa ng Section 4 of RA6713.

Ang kaso ay bukod pa sa kaso ng isinampa na sa konsehal na sinasabing gumahasa sa dalaga.

Ang kaso ay isinampa sa Ombudsman noong Oktubre 7, ni Rose Rosario Tapiador, 53, tindera ng balut at nanay ng biktimang si Jennyrose na kinidnap, ikinulong at pa­ulit-ulit na ginahasa sa isang hotel ni Municipal Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde ng Lopez, Quezon.

Nakakabilib ang mag-inang ito. Mahirap lang sila at ang halagang P3 milyon ay isang iglap na hahango sa kanila sa kahirapan pero mas mahalaga sa kanilang ang hustisya kahit sino pa ang tamaan.

Naidetalye ko na ang salaysay ng biktima sa nakaraang kolum kaya hindi ko na idedetalye pa. Ang mahalaga, dapat manindigan sa katotohanan na kanyang tinatayuan ang biktima. Magandang first step ang pagtanggi niya sa suhol at sana, magsilbing halimbawa ito sa ibang mahihirapan na dumaranas ng kalupitan sa kamay ng mga mayayaman ang impluwensiyal na inaakalang lagi nilang malulustuan ang batas dahil sa kanilang kayamanan.

vuukle comment

GOVERNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with