^

PSN Opinyon

Tinabla! Binaliktadang mga biktima!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Isang kaso na tinututukan ng BITAG ay ang pulis na namaril sa Masbate matapos siyang ma-plaslaitan sa ilalim ng puno ng mangga.

Matindi ang inhustisyang kinakaharap ngayon ng pamilya ng magsasakang namatayan ng ama dahil sa pamamaril.

Mantakin n’yo, binaliktad nitong hinayupak na pulis-Masbate ang istorya. Rumesponde lamang daw siya sa bukid kung saan naaktuhan niyang may ginagahasa ang matandang magsasaka at dalawang anak nito.

Inunahan ang mga biktima at sinampahan ng kasong rape. Ang nagsampa, ‘yung babaing kasama ng lespu sa ilalim ng puno ng mangga. Ang babae raw kasi, nag-aabang ng habal-habal nang gabing ‘yun.

Kundi ba naman gunggong, alas-onse ng gabi, sa gitna ng bukirin may daraang habal-habal? Ano ang ginagawa ng pulis sa ganoong lugar ng ganoong oras at napadaan siyang mag-isa?

Saan ka rin ba nakakita ng crime scene na may ­holster ng pulis na rumesponde at isang pregnancy test kit? Garapalang inhustisya ‘to!

Napag-alaman ng BITAG mula sa Public Attorney’s Office sa Masbate, hindi umusad ang kasong isinampa ng mga biktima laban sa pulis. Ang dahilan, ang baluktot na istorya nito at naunang pagsasampa ng kaso laban sa mga magsasaka.

Eto namang chief of police ng Balud, Masbate, nakausap daw ang pamilya ng namatay na magsasaka. Mabait naman daw ang pulis, hindi manginginom kaya sana hindi na mauwi sa kasuhan.

Ay taran…. mabait? Basta-basta na lang namaril at nakapatay? Oo nga, hindi umiinom, malibog lang!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with