^

PSN Opinyon

Pinas, malas sa pagkakaroon ng Presidente na dating mayor

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Naghuhuntahan kami ng kaibigan ko tungkol sa nala-lapit na presidential elections sa susunod na taon. ­Pumapangalawa si Manila Mayor Isko Moreno sa pina-paboran ng tao na maging Presidente kasunod ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Anang kaibigan ko, “Madala na tayo sa paghalal ng mayor bilang Presidente.” Aniya, nakakadalawang alkalde na tayo na nahalal bilang Presidente. Una, si Joseph Estrada na napatalsik ng EDSA 2 at pangalawa si President Duterte  na dating mayor ng Davao. Kung ang susunod na Presidente ay si Isko o kaya ay si Sara Duterte, ex-Mayor na naman ang mamumuno sa bansa.

Inihalimbawa ng kaibigan ko si Erap na naging mayor muna ng San Juan- pero hindi naman napatino ang ka­lagayan ng Pilipinas.  Nasangkot pa ang ilang miyembro ng kanyang pamilya sa mga eskandalo nang nasa Malacañang pa siya. Nabilanggo pa siya sa kalaunan.

Ang naging trademark lang noon ni Erap ay ang pag-abot-abot ng mga supot na naglalaman ng pansaing at pang-ulam para sa mga mahihirap na mamamayan at maliban diyan ay wala nang ibang maalala ang taumbayan maliban sa linyang “walang kaibi-kaibigan, walang kumpa-kumpare” na hindi naman nasunod.

Sa kaso ni President Duterte, kung anu-ano naman ang ipinangako niya pero sobrang kabaliktaran ang nangyayari gaya ng pagpuksa sa ilegal na droga na lalo pang dumami at ang pagwalis sa korapsiyon pero lalong naging malala kung kailan ang bansa ay nasa pandemya.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with