^

PSN Opinyon

In and out

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG outsider, kung ituturing, ang bumabandera­ sa usapang Panguluhan sa 2022. Outsider dahil ba­gama’t nasa pamahalaan din sila, kapwa silang nasa local­ government at hindi sa national government na dati rati’y siyang pugad ng pinanggagalingan ng ating mga pinuno.  

Ito’y sina Mayor Sara Duterte ng Davao City, ang pina­ka­malaking lungsod sa Pilipinas at si Mayor Isko Moreno ng Capital city ng Maynila. Maaring hindi pa deklarado sa ngayon si Mayor Sara sa kanyang kandidatura subalit inaasahan ang kanyang pagsabak sa laban bilang kandidata ng administrasyon. Si Mayor Isko naman ay nagpasabog na ng kanyang bomba nang maunang magdeklara itong nakaraang linggo, katiket ni Dr. Willie Ong, ang matagal na nating ka-column dito sa Pilipino Star NGAYON.  

Dati rati ay pawang mga nasa gobyerno na ang mga nananalong Pangulo, mga Senador o Kongresistsa o miyembro ng Gabinete. Nakalusot lang minsan si Pres. Corazon Aquino subalit iba naman ang kuwento niya. Matapos niya ay balik muli sa mga personalidad mula sa national government ang nagwawagi.  

Hindi mahirap intindihin kung bakit lumalamang ang nasa ganung posisyon. Dahil pang nasyonal ang kani­lang panunungkulan, nakakaikot sila sa bansa at madalas ay laman sila ng mga news outlet. Siyempre, iyong mga nationally elected, lalo na ang mga senador, ay kilala na ng tao.  

Subalit nagiba muli ang modelong iyan ng paglutang ni Rodrigo Roa Duterte na dati ring mayor ng Davao. Sa sandaling pangangampanya ay nahuli niya ang kiliti ng botante, kahit pa iilan lamang ang nakakakilala sa kanya sa umpisa.  

Sina Mayor Isko at Mayor Sara ay kapwa nagmula rin sa local government subalit nasasabayan nila o kung hindi man ay nahihigitan pa ang kasikatan ng mga Insider. Para bang wala nang advantage ngayon ang mag matrikula muna sa Gabinete, Kongreso o Senado. Kahit saan ka magmula, basta maganda ang PR mo, maari kang maging contender.  

 Gaya ng mga huling halalan, pihadong magandang laban muli ang mangyayari sa Mayo. Sana ay maging maayos ang eleksiyon, ang kampanya, ang bilangan at ang ating pagpasya.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with