^

PSN Opinyon

Abandonment of shipments

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IPINAALALA ng Bureau of Customs-NAIA, sa mga tran­sacting public at air express operators ang tungkol sa abandonment provision batay sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act 2016).

Ibinalita ni NAIA District Customs Collector Carmelita “Mimel” Talusan, ang lahat ng mga stakeholder ng port at interested public na planong mag-import sa pamama­gitan ng mga  air express operators ay pinapaalalahanan na may mga patakaran at regulasyon sa customs na ma­iwasan ang pag-abandona sa kanilang kargamentong ipinadadala.

Ipinaliwanag ni Talusan, na responsibilidad ng mga ope­rator na makipag-usap sa kanilang mga kliyente tungkol sa mga kinakailangan para sa pagproseso, kasama ang pagsusumite ng kinakailangang mga permit at clea­rances.

Ang consignee, sa pamamagitan ng air express ope­rator, ay dapat magsumite ng goods declaration sa loob ng 15 days mula sa petsa ng paglabas ng huling package mula sa eroplano, dapat bayaran ang mga kaukulang duties and taxes sa loob ng 15 araw mula sa final assessment at dapat din kunin sa loob ng 30 araw mula sa pag­­bayad ng assessed duties, taxes at iba pang mga charges upang maiwasan ang pag-abandona. 

Inuulit ng BOC-NAIA sa DHL Express (Philippines) Corporation na mag-deploy sila ng karagdagang manpower upang makatulong sa pagdagsa ng iba`t ibang shipments lalo na ngayon may pandemya. 

Magiging mas mabilis ang pagproseso at walang mga package na mai-tag na inabandona dahil sa naantala na pag-file ng DHL na nagsisilbing broker nila. 

Para maiwasan din ang mga maling kuru-kuro at mapagbintangan na ang BOC ang may kasalanan sa pagkaantala ng mga parsela.

Ayon kay Talusan, ang BOC-NAIA ay nananatiling isang ahensiya na nakasentro sa customers at binibigyang diin na ang mga pamamaraan at proseso nito ay katumbas ng mga pamantayang pang-internasyonal na kamakailan ay nakakamit na ISO 9001: 2015 Certification.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with