^

PSN Opinyon

China papanagutin na sa salot na coronavirus

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Panahon nang papanagutin ang Komunistang China sa pandemya. Huwag pabayaan ang paghuhugas-kamay niya sa pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo. Huwag magpadala sa “vaccine diplomacy” niya ng pamimigay ng bakuna kunwari sa kagandahang-loob. Huwag magpatakot sa pambu-bully niya ng maliliit na bansa. Ang tawag ni Mao Zedong sa mga kaaway ay “tigreng papel na tiyak na babagsak”. Komunistang China ang tigreng papel na ‘yun.

Pinagkaitan ng Komunistang China ng datos ang World Health Organization kung paano sumibol at kumalat ang coronavirus. Isang buwan tsinubibo ang independiyenteng scientists at doktor ng WHO, iling ni director general Tedros Adhanom Ghebreyesus. Hinadlangan ang pana­naliksik nila sa Wuhan at paligid nu’ng Enero-Pebrero. Matindi ang pressure sa kanila, dagdag ni team leader Peter Ben Embarek. Naaksaya ang halos isang taong paghahanda ng investigation panel.

Pinagtakpan din ng Komunistang China ang pagpa­patahimik at pagdakip sa Chinese doctors na unang nag-ulat tungkol sa sakit. Inilihim din ang pagpayag na bumiyahe ang 5 milyong Wuhanese sa China at abroad, kaya mabilis lumaganap ang impeksiyon sa mundo.

Milyun-milyon ang namatay at nabalda habambuhay ng COVID-19. Bilyun-bilyon ang nawalan ng hanapbuhay at nagutom. Dapat lang bayaran sila ng Komunistang China ng danyos sa perhuwisyo niya.

Tigilan na ng Komunistang China ang panggigipit sa Australia, na unang humingi ng imbestigasyon ng corona­virus. Tigilan na ang pagkakanlong ng China sa mga palengke ng exotic wild animals, tulad ng paniki at pangolin, kung saan lumulundag ang sakit sa tao mula hayop. Tigilan na ang balatkayong vaccine donations dahil magbe­benta at kikita ang tatlong kompanya ng bakuna sa China ng $2.7 bilyon kada taon ng pandemya. Tigilan na ang pagpapautang sa maliliit na bansa ng pambili ng bakuna, kapalit ang langis at ibang likas-yaman nila.

vuukle comment

WHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with