^

PSN Opinyon

Kahit anong gigil at giba, wa epek!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Tinawag na diktador, kurakot, magnanakaw. Wala raw ginawa kundi binalahura’t nilugmok ang Pilipinas sa kahi­rapan at kahihiyan.

Eto ang sinisigaw ng ilan laban sa isang pangalan.  Ilang dekada na ang nakalipas, ilang anibersaryo na ng People Power ang dumaan, walang puknat ang kanilang pag-iingay.

Itinuturo nila ito sa mga paaralan, mula elementarya, high school hanggang sa kolehiyo. Pinagduduldulan sa mga curriculum na “huwag baguhin ang kasaysayan.”

Ang sigaw mula noon, hanggang ngayon: “Never forget! Never again!” Ito ‘yung tinatawag na neuro associative con­ditioning. Paulit-ulit na pagkokondisyon sa isipan ng isang tao o isang hayop.

May dalawang epekto ang neuro associative conditioning – positibo at negatibo. Kapag ‘yung isang taong ‘di marunong mag-isip, siguradong maaakay.

Tingnan mo naman, hanggang kasalukuyan ay parang ‘wa epek naman sa nakararami ang kanilang mga ngawngaw. Matunog pa rin ang pangalang ito. Sabi nila kasi, nakakatakot daw kapag nakabalik at mailuklok muli sa puwesto sa kataas-taasang posisyon ngayong darating na halalan.

Nakakatakot nga naman, para sa kanila. Na itong taong ‘to, isang araw ay makikita nilang, nakaupo na sa Malacañang. Ano kaya’ng ikinakatakot nila? Pero pansinin n’yo ha, ang taong ito, hindi nagsasalita, dedma lang. Kahit na nilalait, iniinsulto, pinahihiya ng mga kontra sa kanya sa lahat ng media platform.

May kasabihan, sa bawat istorya, laging may kabilang banda. Gaano mo man kanipis o kakapal ipresenta, lalabas at lalabas ang kabilang banda. Kaya itong patuloy na panggigiba sa tao, dalawang bagay lang. Sa mga hindi nag-iisip, mahihikayat; sa mga marunong magsuri at mag-analisa, magdududa.

Paalala sa mga galit na galit at gigil diyan nangyari ang sitwasyong ‘yun… sa kalabisan ng inyong ginagawa, marami nang nananawa. Ang ending, basura na.

vuukle comment

PEOPLE POWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with