^

PSN Opinyon

No jab? No job.

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

December pa lang ng 2020 ay naumpisahan na sa America ang kanilang vaccination program. Doon, siyem­pre, hindi suwerte-suwerte lang ang magandang bakuna. Sila mismo ang gumagawa at pinagkukunan ng Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson kaya umaagos ang supply. Sa umpisa ay may priorities pa sila sa mga senior citizen at may comorbidity tulad natin. Subalit mabilis nilang nalampasan ang stage na iyon. Sa loob ng ilang linggo lang ay binuksan na para sa madla ang bakunahan.

Napakadaling makakuha ng bakuna sa America. Hindi lamang sa mga ospital at health center puwede. Maging sa lahat ng pharmacy ay maaring magpa-appointment. Isipin na lang na kung bawat isang Mercury, Watsons, Southstar o kahit ang katabing botika sa barangay ay may quota ng vaccine supply, mas madaragdagan ang oportunidad na mabakunahan ang nakararami.

Sa kabila nito ay nahahabol na sila ng ibang bansa sa porsiyento ng nababakunahan. May mga lugar gaya ng Bay Area sa may San Francisco na napakataas na ng bilang ng bakunado. Pugad ng Pinoy ang Bay Area kaya marami akong kakilala at kamag-anak na maaga pa lang ay protektado na. Subalit sa iba namang estado ay napakababa ng vaccination rate. Talagang pahirapan ang pag-udyok sa publiko.

Ang U.S. nga ay tinatayang mahigit 15 million nang vaccine doses ang natatapon. Ito ang mga bakunang inabot na ng expiration o ang mga hindi nagagamit doon sa mga nabuksan nang vial dahil hindi sumipot ang mga tao kung kanino nakalaan.

Kung kaya ang total vaccination rate ng U.S. ay 60.3% lamang. Ganito na rin karami ang nabakunahan sa Metro Manila (nasa 60% na ayon sa WHO). Dahilan dito’y humantong na sa sapilitang pagbakuna ng mga U.S. citizen. Inumpisahan ni U.S. President Joe Biden sa mga kawani ng pamahalaan na obligado mag pabakuna bilang kondisyon ng pagtrabaho. No jab? No job. Isa isa nang magsusunuran ang mga bansa sa mundo.

Ito na ang susunod na malaking debateng bunga ng COVID-19.

vuukle comment

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with