^

PSN Opinyon

Malasakit sa health workers, sundalo pakitang-tao lang?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG Agosto 30, Araw ng Kagitingan, tinawag ni President Duterte na bayani ang health workers na nasa frontline kontra pandemya. Sa araw ding ‘yon nag-walkout sa tra­baho ang libong nurses at technicians ng 12 ospital na pri­bado at gobyerno. “Kung totoong mahalaga kami, bakit kinu­kupit ng admin ang special risk allowances namin?” anila.

Takda ng Magna Carta for Health Workers at Bayanihan­ Acts ang SRA at mga benepisyo. Pero ilan lang ang bina­yaran; kulang at atrasado pa. Ni walang katibayan na totoong natanggap ng tao ang P539 milyon na SRA mula sa bilyon-bilyong nilaan, anang Commission on Audit.

Makalipas ang dalawang araw, natuklasan sa Kongreso na wala na palang nilaan na pang-SRA sa 2022 national budget ng admin. Akala ba nila matatapos na ang pan­demya, gayong palpak sila sa pag-bakuna, contact tracing, testing at isolation? Mas deadly pa nga ang Delta variant.

Nu’n ding Araw ng Kagitingan sinabi ni Duterte na, ‘di tulad ng mga senador at kongresista, siya lang daw ang may malasakit sa sundalo. Bumibisita siya at natutulog pa sa mga kampo, aniya.

Pero natuklasan din sa Kongreso makaraan ang dala­wang araw na walang budget ang admin sa 2022 para pag-ospital ng sundalo at beterano, o pag-ayos at pambili ng makina sa ospital. Nitong 2021 ay may katiting na P1.78 bilyon na budget pero sa 2022 zero na. Akala ba ng admin hindi tinatablan ng COVID-19 at iba pang sakit ang mga sundalo, reservist at beterano? Akala ba ng admin COVID-proof ang sundalo?

Pakitang-tao lang ba ang malasakit ng admin sa health workers at sundalo? Nu’ng Ago. 2020 tinuya ni Duterte ang frontline health workers na mag-rebolusyon. ‘Yon ay dahil­ nagmungkahi lang sila ng timeout para repasuhin ang stra­tehiya kontra pandemya.Malimit purihin ni Duterte ang dating­ Chinese Communist ambassador dahil daw colonel ng People’s Liberation Army. E, barko ng PLA ang tumutok ng missiles sa patrolya ng Philippine Navy sa West Philippine Sea noong 2019.

vuukle comment

HEALTH WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with