^

PSN Opinyon

Anak

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG kasong ito ay tungkol sa pagtatama ng birth certificate ng isang anak. Ang isyu ay ang kapangyarihan ng korte na hawakan ito. Kailan nga ba nasasabi na nagkaroon na ang korte ng karapatan sa kaso? Ano ang mga dapat gawin para maumpisahan ang pag-aayos nito sa civil registry?

Ang kasong ito ay tungkol sa birth certificate ni Alona na rehistrado sa civil registrar ng isang siyudad kung saan siya ipinanganak, sa Registry no. 34756. Nakasulat doon na ipinanganak siya noong Nobyembre 12, 1949 bilang unang anak na babae na ipinanganak sa mag-asawang Rosa Acosta at Armando Cortes.

Nang kumuha siya ng mga papeles  mula sa pagkuha ng benepisyo sa GSIS (Government Service Insurance System) ay nagulat siya nang madiskubre na may isang birth certificate pa na ang detalye ay nasa Registry 72641 at mali ang detalye dahil ang araw ng kapanganakan niya ay Nobyembre 12, 1948 at ang tatay daw niya ay si “Pablo Reyes”.

Nagsampa ng petisyon si Alona para maitama ang pangalawang birth certificate niya lalo ang mali tungkol sa pangalan ng kanyang ama. Inilathala ng isang beses sa loob ng tatlong linggo ang petisyon pagkatapos ay nagtalaga ng petsa ng pagdinig ang korte kung saan ipinaalam ang pagdinig sa OSG (Office of the Solicitor General) at ang kinatawan nitong piskalya para humarap ang ahensiya.

Ang isinumite na ebidensiya ni Alona ay ang kanyang voter certificate, baptismal certificate at marriage certificate kung saan nakasaad ang kanyang pangalan at petsa ng kapanganakan.

Pagkatapos ng paglilitis, ipinag-utos ng korte na itama ng civil registry  ang detalye ng petsa ng kapanga­nakan ni Alona mula Nobyembre 12, 1948 imbes Nob­yembre 12, 1949 at pati ang ngalan ng tatay niya ay gawin na Armando Cortes at hindi Pablo Reyes.

Nagsumite naman ng sagot at oposisyon ang OSG sa petisyon. Pero dineklara na wala na itong silbi dahil sa desisyon ng RTC pabor sa pagbabago ng birth certificate. Kaya umapela na lang ang OSG at inakyat ang kaso sa Court of Appeals.

Ang argumento ng OSG ay hindi raw nakakuha ng kapangyarihan sa kaso ang korte dahil hindi naisama sa pagdinig ang mga importanteng sangkot tulad nina Armando Cortes, Rosita Acosta, Pablo Reyes at kanyang mga kapatid.

Parehas pa rin ang naging hatol ng CA. Nagamot naman daw ang kawalan ng mga importanteng partido sa kaso sa ginawang paglalathala ng pagdinig sa diyaryo. Tama ba ang CA?

MALI. Ayon sa Supreme Court, ang proseso ng pagkansela ng mga detalye sa birth certificate sa civil registry ay puwedeng “summary” o “adversary”. May kalaban o wala kumbaga at depende kung mabigat o hindi ang babaguhin. Kung “clerical” o simpleng pagtatama lang sa ispeling ay “summary” ito. Pero kung matindi ang babaguhin tulad ng pangalan ng magulang ay “adversary” at kailangan na humarap ang kabilang panig.

Ayon din sa batas (Sec. 3, Rule 108 Rules of Court) ay dapat na isama sa kaso ang civil registrar at mga tauhan nito. Ang pagkakamali ni Alona na hindi isama sa kaso ang kanyang dalawang tatay, nanay at mga kapatid ay malaking pagkukulang dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na ilabas ang kanilang saloobin pati koneksyon nila kay Alona.

Kung ganito na may hindi naisali na importanteng tao o tinatawag na “indispensable party”, dapat ay may espesyal na sirkumstansiya para ikonsidera ng korte. Pero nagkataon na walang nabanggit na paliwanag kung bakit hindi sila naisama. Kaya kailangang baliktarin at isantabi ang desisyon ng CA (Republic vs. Timario, GR 234251, June 30, 2020).

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with