^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Delinkuwenteng POGOs singilin at saka palayasin!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Delinkuwenteng POGOs singilin at saka palayasin!

NARARAPAT lang na kuwestiyunin ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Amusement ang Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa kabi­guan nitong makolekta ang receivables na umaabot sa P1.365 billion mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Noong 2017 pa nagsimulang mag-operate ang POGOs pero lomobo na ng bilyong piso ang dapat kolektahin sa kanila ng PAGCOR.

Ayon sa 2020 audit report ng COA, tatlong taon na ang nakalipas subalit hindi naging maigting ang PAGCOR sa pagkolekta sa 15 POGOs. Wala anilang ibang napagkaitan sa nangyari kundi ang PAGCOR mismo. Saan anila kumukuha ang PAGCOR ng pantustos sa kanilang operasyon kung hindi nila nasi­singil ang POGOs. Dapat maging maigting ang Pagcor sa paniningil sa POGOs. Napakalaking halaga ng P1.3 bilyon na hindi binabayaran ng POGOs.

Nadiskubre rin ng COA na walong POGOs na ang nakansela ang lisensiya dahil sa pagiging delinkuwente sa pagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) pero sa kabila nito, nag-ooperate pa rin umano ang mga ito. Patuloy pa rin na tumatabo ng pera ang walong POGOs sa kabila na wala nang lisensiya.

Nakapagtataka kung bakit hinahayaan ng PAGCOR­ na makapag-operate pa ang mga inalisan ng lisen­siya. Kung ganito katigas ang ulo ng POGOs, Maa­aring hindi lamang walo ang patuloy na nag-ooperate kahit wala nang lisensiya. At tiyak na marami sa mga ito ang hindi nakarehistro sa BIR. Nakarehistro sila sa PAGCOR pero hindi sa BIR. Maiimadyin kung gaano kalaking pera ang nananakaw ng POGOs dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Una nang sinabi ng pamahalaan na ang ibinaba­yad daw na tax ng online gambling operators ang ginagamit para mapondohan ang “Build, Build, Build, Program”. Pero ngayong marami pala ang hindi nagbabayad na POGOs paano ang programa? Paano matatapos ang proyekto kung delinkuwente sa pagbabayad ang POGOs.

Nararapat kumilos ang PAGCOR at habulin ang POGOs na ang gusto’y kumita lang nang kumita sa bansa pero ayaw magbayad ng buwis. Singilin sila sa bilyones na utang at saka palayasin na! Ang tanong ay kung nasa bansa pa ba ang mga pasaway na operator ng POGOs.

vuukle comment

COA

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with