^

PSN Opinyon

Pribadong sektor: Kabalikat sa muling pagbangon

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Magandang balita para sa mga Pilipinong seafarers! Dahil sa kasunduan ng pamahalaang lungsod ng Makati sa may 29 ahensyang kasapi ng Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP), nasimulan na ang pagbabakuna sa mahigit 1,000 seafarers gamit ang Moderna at Pfizer vaccine. Ito kasi ang vaccine brands na tinatanggap sa karamihan sa mga bansang destinasyon ng ating seafarers, na kabilang sa A1 category.

Prayoridad naming mabakunahan ang mga seaman at marine officers na may deployment notice sa loob ng dalawang buwan. Kapag nakumpleto na ang kanilang bakuna, puwede na silang magtrabaho sa abroad. Ibig sabihin nito, matutustusan na nila ang mga pangangaila­ngan ng kanilang pamilya. Isa pa, malaking tulong ang kani­lang remittances sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Samantala, patuloy ding nadaragdagan ang bilang ng mga pribadong kompanya na naging katuwang namin sa pagpapatupad ng Bakuna Makati. Nagbukas na ang bagong vaccination site sa Wilcon Depot sa Chino Roces Avenue para sa libu-libong mga kawani ng Grab PH na kabilang sa kategoryang A4 ng Department of Health.

Matatandaang ilang malalaking kompanya na ang unang nakipagkasundo sa lungsod simula noong Hunyo para sa pagbubukas ng vaccination sites na nakalaan sa kanilang sariling mga empleyado. Bukod dito, may mga nag-alok din ng mga lugar para sa iba’t ibang kategorya na kuwalipikadong tumanggap ng bakuna. Kabilang sa mga naging vaccination partners ng lungsod ang Ayala Group, BDO, China Bank, Security Bank, SM Group, Megaworld Group, at Rockwell Group.

Malaking bagay talaga ang pagsasanib-puwersa ng gobyerno at pribadong sektor sa panahong ito ng krisis. Kailangang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Sila ay naturingang “economic frontliners” dahil nakasalalay sa kanilang mga kamay ang pagbangon ng mga negosyo at muling pagsigla ng ating ekonomiya.

Kaya naman laking pasasalamat ko sa lahat ng mga kompanyang naging katuwang namin sa pagsasagawa ng programang Bakuna Makati. Siyempre, kasama rin sa aming kasangga ang mga residenteng walang sawang sumusuporta sa mga hakbang na ginagawa namin para tugunan ang mga hamon ng pandemya at makabangon tayong lahat mula sa krisis. Maraming salamat sa inyo.

Kayo ang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob at inspirasyon para mas galingan pa ang paglilingkod sa inyo. Sa lahat ng oras, kapakanan ninyong #ProudMakatizens ang laging una sa amin.

Ituloy lang natin ang pagtutulungan at kooperasyon at tiyak na magiging mas masaya, mas ligtas, at mas maginhawa ang pamumuhay natin sa Makati.

vuukle comment

SEAFARERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with