^

PSN Opinyon

Pakialamero raw ako! Ganerrrn?!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Bato-bato sa langit, ang tatamaan, pasensiyahan na lang. Magalit na ang gustong magalit pero ako’y nagsa­sabi ng katotohanan lamang.

Marami ang nabuwisit sa akin kamakailan dahil sa sinabi kong “dapat magbayad ng buwis” ang mga digital content creators katulad ng mga vloggers at social media influencers.

Pakialamero daw ako, hindi na dapat nagsasalita tung­kol dito at dapat ako’y manahimik na lamang. Ganerrrn? Pwes, gagawin ko pa rin ang trabaho kong maghatid ng impormasyon.

Alam n’yo, hindi kayo dapat na nagagalit o nagrereklamo­. Kung ‘yung mga simpleng tao nga, mga empleyado’t nagha­hanapbuhay, sumusunod sa kanilang obligasyon bilang Pilipino. Nagbabayad ng buwis.

Kailangan pa bang hintayin kuno ang “mekanismo’’ ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bago kayo magbayad ng buwis?

Madali lang para sa BIR na makuha ang listahan ng mga digital Top Earners sa Pilipinas – mapa-YouTube man, Face­book o Tiktok ‘yan. Makikita naman sa rami ng follo­wers o subscribers at numbers of views ‘yan.

Kaya dapat, ideklara n’yo ng tapat ‘yan!

Sinasabi naman ng BIR na dapat magparehistro ang mga online creators bilang business o personal accounts. Hindi ba’t kapag personal income, exempted sa tax kung ang buwanang kita ay P21k pababa?

Ganito rin ang ginawa sa online sellers – pinarehistro, pinagbayad ng buwis.

Bakit ako nagsasalita ng ganito? Ako mismo naranasan ko, hindi pa nagsasalita ang BIR tungkol sa pagbubuwis sa mga online creators, nagbabayad na kami ng tax ng kinikita namin online.

Oo masakit, dahil kahit pandemya at mahina ang kita tuloy-tuloy ang paniningil at pagbabayad ng tax. Nasa deklarasyon naman ng kita ang babayarang buwis.

Ang problema kasi, marami riyan, kumita na ng limpak-limpak. Kung gumasta at umasta, mala- milyonaryo, pero kinalimutan ang pagbabayad ng buwis.

Pagtatanggol ng iba, nakakatulong, nagbibigay naman ng ayuda sa tao kahit “patingi-tingi” at parang “limos” lang. Gusto n’yo talagang makatulong at magkawanggawa?  Gumawa na lang kayo ng foundation at irehistro. Oh di libre pa kayo sa tax.

Kaya malaki ang magiging papel nitong Creator and Influencer Council of the Philippines na maturuan at maalalayan ang mga nasa hanay nila upang makatulong sa gobyerno. Digital Society na tayo, majority of the products and services, nasa online na.

Sa mga nagagalit sa akin, sige galitin n’yo rin ako para turuan ko rin ang BIR!

vuukle comment

DIGITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with