^

PSN Opinyon

Walang pagbabago

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MULA pa dekada ‘70, hindi na nagbago ang imahe ng National Irrigation Administration (NIA) sa San Nicolas, Ilocos Norte. Labas-masok sa compound nito ang magagarang SUV, lulan ang NIA officials na hindi kababakasan ng problema sa kanilang mga mukha. Habang wala silang problema, kabaliktaran naman ang maraming magsasaka na tuliro dahil hindi mapatubigan ang kanilang natutu­yong sakahan. Ang mga magsasaka na ang linang ay sahod-ulan, nawawalan na ng pag-asa dahil sa kawalan ng aksiyon ng NIA.

Apat na dekada na ang nakalipas at nanatiling salat sa tubig ang mga palayan sa Ilocos Norte sa kabila na malaking pondo ang napapasakamay ng NIA taun-taon. Problemado ang mga magsasaka sa kasalatan ng tubig. Natitigang ang kanilang palayan at apektado ang kanilang kabuhayan.

 Ayon sa Commission on Audit (COA) limang taon na nilang kinukuwestiyon ang multi-bilyong pisong irregularidad ng NIA kaugnay sa China-funded Chico River Dam Project sa Kalinga at Cagayan.

 Pinupuna ng COA ang P4.37 bilyong Chico River irrigation project ng NIA sa Kalinga, sa ilalim ng “Build, Build, Build” program noong 2018.  Ayon sa COA, mara­ming contractors ang proyekto, pero walang sapat na dokumento. Labag umano ito sa Republic Act No. 9184 (Government Procurement Reform Act).

Soft loan mula sa China Exim Bank at hindi grant ang Chico River Irrigation project. Layong matubigan ang 7,530 ektaryang sakahan sa Tuao at Piat, Cagayan at 1,170 ek­tarya sa Pinukpuk, Kalinga. Mahigit 4,350 magsasaka ang makikinabang dito.

Ayon sa COA, sa 2020 audit nila sa NIA, 841 kontrata ang kanilang nai-award na nagkakahalaga ng P6.579 bilyon subalit walang sapat na dokumento. Hindi rin nakalahad ang halaga ng proyekto at kung ilang porsyento na ang natapos. Mula 2009-2019, kakarampot ang accomplishment ng NIA sa kabila na ang pondo ay P260 bilyon. Noong 2016, 82 proyekto na nagkakahalaga ng P4.54 bilyon at 25 kontrata na nagkakahalaga ng P6 bilyon ang may slippages.

 Noong 2017, nakita ng COA ang deficiencies sa 436 irrigation contracts na nagkakahalaga ng P11.94 bilyon. Noong 2018, nalaman ng COA ang improper management ng 299 irrigation projects na nagkakahalaga ng P20.7 billion. Noong 2019, naantala ang 288 projects na nagkakahalaga ng P10.1 bilyon.

Daming pondo ng NIA pero walang pagbabago.

* * *

Para suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with