^

PSN Opinyon

Ang kanilang halimbawa

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Natapos din ang Olympic games. Dahil sa pandemya, inakala nating ni hindi ito magaganap o kung maganap man ay mauuwi sa trahedya. Sa huli, imbes na trahedya ay tagumpay. Labimpitong araw. Sa loob ng 17 maliga­yang araw na iyon ay kapitkamay nating inalala kung papaano muling mabuhay. Sa pansamantalang pagkakataon, hindi tayo nagpatalo sa COVID.

At ang mga alaala ng karanasan na iyon ay bubuhat sa atin sa patuloy nating pakikipagtuos. Natutunan natin kay Hidilyn Diaz na hindi inaatrasan ang hamon, gaano man kabigat. Basta manalig sa sarili ay kakayanin ang anumang pagsubok na ihaharap.

Ipinamalas nina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial kung papaano ibuhos ang lahat para sa bayan. Kung kaya manalo man o matalo ay titingalain ka dahil sa ibinigay mong katapatan.

Sa mga atletang hindi umabot sa podium at medalya, hindi matatawaran ang kanilang kayod upang maipagmalaki sa mundong nakamasid na ang Pilipino ay hindi­ pipitsugin at may karapatang mapabilang sa mga pinaka­magagaling sa mundo.

Si Caloy Yulo ay pumang-apat; si Margielyn Didal ay naglanding sa top 7; si Elreen Ando ay nag top 7; si Yuka Saso ay humabol sa top 9; si EJ Obiena ang tanging Asyano na pasok sa kanyang finals – halos lahat ng ating Olympian ay naghatid ng karangalan.

Sa pagbulusok ng Delta variant ng COVID-19, parang tinapatan din tayo ng mabigat na katunggali. Ganyan ang naranasan ng lahat ng ating Olympian. Hindi nila ito tina­likuran at bagkus ay binuhos ang lahat ng kanilang lakas upang magtagumpay.

Ang kanilang halimbawa ay magsisilbing inspirasyon upang bunuin din natin ang hamon. Anuman ang kaila­ngang pangatawanan – maging ECQ, masking at distancing, at karagdagang pagtitiis – ay kakayanin natin. Katulad nila, bahagi tayo ng mas malaking laban. Kapag magpursigi, sa huli’y mabibiyayaan din tayo ng tagumpay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with