^

PSN Opinyon

Biktima

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SINA Alma at Cardo ay ikinasal 17 taon na ang nakakaraan­. Noong umpisa ay masaya at matiwasay ang kani­lang pag­sasama. Mayroon silang dalawang anak, isang lalaki at isang babae. Pero bandang huli, pumangit ang kanilang pagsa­sama dahil nagkaroon ng ibang babae si Cardo. Nalaman ito ni Alma nang marinig si Cardo na nagkukuwento sa pinsan na si Diego na nagbibigay siya lagi ng P1,000 kada linggo bilang sustento sa sanggol na anak niya sa isang “Rita” ang ngalan. Bukod dito, may binayaran pa raw ang mister na P37,000 sa operasyon ng ibang babae na “Nita” naman ang pangalan.

Nang sitahin ni Alma si Cardo tungkol sa pakikipagre­lasyon nito sa ibang babae at sa pagkakaroon ng anak kay Rita, todo tanggi pa ang lalaki. Nauwi ito sa mainitang pagta­talo. Nag­histerya si Alma at tinawag ang kapatid na si Romy para ilabas siya sa bahay. Noong gabing iyon, hindi na nagsama sa iisang bahay ang mag-asawa.

Nakatanggap si Alma ng sulat mula kay Cardo na nag­sasabing wala na siya sa buhay nito at hindi na nito alam kung ano pa ang maaaring gawin sa kanya. Sa takot para sa kanya at sa buhay ng mga anak ay agad na nagsumbong sa pulisya si Alma para magsampa ng reklamo laban kay Cardo sa paglabag ng RA 9262.

Palusot ni Cardo, totoong kasal siya kay Alma at noong umpisa ay matamis ang kanilang pagsasama. Pero inamin nito na bandang huli ay naging masaklap ang buhay mag-asawa nila dahil sa walang basehan na pagbibintang daw ng misis na may ibang babae siya kahit wala naman. Na­pilitan lang daw si Cardo na umalis sa kanilang bahay para makitira sa isang kaibigan. Ang panganay daw nila ay nagkaroon ng nervous breakdown dahil sa pagsasampa ni Alma sa kanya ng reklamo na bandang huli ay binawi din nito (affidavit of desistance).

Pero napatunayan pa rin ng RTC na walang pag-aalinla­ngan na nilabag ni Cardo ang batas at pinarusahan siya na makulong mula 6 na buwan, 1 araw hanggang 6 na taon at 1 araw. Mas pinaniwalaan kasi ang bersyon ni Alma at kanyang testigo kumpara sa depensa ni Cardo na binasura lang ng RTC. Ang desisyon ay kinatigan ng CA. Tama ba ang RTC at CA?

Tama. Ayon sa SC, sa batas (Sec. 5[i] RA 9262) ay pinarurusahan ang anumang uri ng sikolohikal na pananakit na ang biktima ay babae at bata. Ito ay anumang kilos o pagkukulang sa pagkilos na nagdudulot ng mental na pagpapahirap sa biktima. Hindi ito limitado sa pananakot, pamamahiya, pagsira ng ari-arian, paulit-ulit na pagmumura, pakikiapid at iba pa. Kailangan lang patunayan na ginawa ang krimen at maipakita ang paghihirap sa pag-iisip na inabot ng biktima base sa kanyang testimonya sa kung ano ang personal na karanasan niya.

Napatunayan ng RTC at CA na naroon ang elementong ito at suportado ng testimonya ni Alma sa harap mismo ng korte. Sinang-ayunan pa ito ng testimonya ng kapatid na lalaki ng biktima na naroon sa komprontasyon ng mag-asawa. Lahat ng elemento ng krimen ay naroroon. Kaya hindi masasabing inosente si Cardo sa nangyari.

Bukod sa pagkakulong at multa, dapat din na sumailalim si Cardo sa psychological counselling/psychiatric treatment alinsunod sa Sec. 6 – RA 9262. Ang desisyon ng RTC at CA ay kinampihan maliban sa dagdag na direktiba na magpagamot si Cardo at pagkatapos ay mag-ulat sa korte (XXX vs. People, G.R. No. 243049, October 5, 2020).

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with