^

PSN Opinyon

Magtulungan para sa epektibong ECQ

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Sa muling pagsasailalim ng National Capital Region­ sa enhanced community quarantine (ECQ), hiniling­ naming mga punong-lungsod sa national government­ ang dalawang bagay: tiyakin na may sapat na supply ng bakuna para tuluy-tuloy ang pagbabakuna namin kahit may ECQ, at bigyan ng ayuda ang mamamayan.

Sa tingin namin, mahalaga ang mga hakbang na ito upang maging epektibo ang ECQ. Hindi biro ang Delta va­riant, at importante na pigilan ang pagkalat nito sa NCR. Isang araw bago mag-ECQ, inireport ng DOH ang record number ng COVID cases at sa tingin nang maraming eks­perto, ito ay sanhi ng Delta variant.

Sa Makati, hangga’t may supply ng bakuna, magpa­pa­­tuloy ang pagbabakuna sa Makati Coliseum, Circuit Mall, Fort Bonifacio Elementary School, Benigno Aquino High School, at Palanan Elementary School sa buong panahon­ ng ECQ. Sa linggong ito, plano ring buksan ang La Paz ES, San Lorenzo Place, at VaxOTG.

Samantala, kasalukuyang pinuproseso ng lungsod ang pamamahagi ng pondo mula sa national government para sa itinakdang P1,000 ayuda bawat indibiduwal o P4,000 bawat tahanan. Ito ay batay sa talaan ng bene­ficiaries mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Para maging mas malinaw sa Makatizens­ ang mga patakaran para sa ECQ, naglabas ang aking tanggapan ng Executive Order No. 21. Nakadetalye rito ang mga puwe­deng gawin at mga ipinagbabawal gawin habang nasa ECQ. Nakasaad din kung sino ang mga otorisadong lumabas ng kanilang mga bahay, at aling mga negosyo­ ang mananatiling bukas, may limitadong operasyon, at sarado­ mula August 6 hanggang August 20, 2021.

Ang nasabing EO ay alinsunod sa guidelines­ mula sa national government.

Ang guidelines na ito ay ipinatupad na dati, noong unang ilagay sa ECQ ang Metro Manila. Pero bilang paalala­, ito ang ilan sa dapat tandaan:

Bawal umabas ng bahay ang minors, senior citizens­, may mga comorbidity at mahinang immune system, at mga buntis. Para naman sa mga itinuturing na APOR (authorized persons outside residence), siguraduhin  ang na lagi kayong may dalang valid government IDs, barangay IDs, at quarantine household passes. Huwag kalimutan ang inyong face mask at face shield.

Kung lalabas ng bahay, ito ay para lang bumili ng basic necessities, medical emergencies, at pumasok sa trabaho sa mga kompanya at negosyong otorisadong magbukas ngayong ECQ.

Kailangang magsumite ng Notice of Reopening sa Business Permits and Licensing Office ang mga establisimentong pinapayagang magbukas. Gayundin, mahigpit dapat ang pagpapatupad ng social distancing measures pati na ang skeleton staffing, temperature checking at pagsusuot ng face masks at face shield ng mga empleyado at mga kustomer.

Kung ang lahat ng mga mamamayan at sektor ay magkakaisa sa pagsunod sa mga patakaran ngayong ECQ, umaasa tayong magiging epektibo ito sa pagpigil ng mabilis na pagkalat ng Delta variant. Kapag nagawa natin ito sa susunod na dalawang linggo, mas mabilis.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with