^

PSN Opinyon

Ano nga ba ang sikreto ng mahabang buhay?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nakulitan sa akin ang kaibigan ko. Malimit ko kasi siyang sabihan na magpapayat, kumain ng masustansiya, mag-workout, alisin ang mga bisyo, at matulog nang maaga, ‘Yon, ikako, ay pampahaba ng buhay. Pinadalhan ko siya ng retrato ng isang centenarian na doktor sa Japan, na nagpayo ng limang alituntuning ‘yon sa mga nais tumulad sa kanya.

Sinupalpal ako ng kaibigan sa text na ito, ewan ko kung saan niya napulot o sino ang nagsaliksik:

“Mabuhay nang masiba, lumamon ng nais. Bakit? Ang imbentor ng treadmill ay namatay sa edad-54. Ang nagpasikat ng gymnastics ay pumanaw nang 57. Ang world champion sa bodybuilding ay tinepok ng atake sa puso nu’ng 41. Ang pinaka-batikang footballer, si Diego Maradona, ay dedo sa 60.

“Samantala, ang nagpasimuno ng KFC ay umabot nang 94. Ang sa Nutella, 88. Ang sa Turkish Shawarma Steak, 104. Ang lumikha ng sigarilyong Winston ay 102 nang mamatay. At ang nakatuklas ng opium, 116 nu’ng nadale sa lindol. Ang founder ng Hennessy cognac ay umabot sa 98. Ang mga imbentor ng pagkaing Afghan na Qabili, Mantu, at Chapli kebab (inihaw na matatabang karne ng baka) ay puro buhay pa.

“Paano napasya ng mga doktor na malinis na buhay at ehersisyo ang pampahaba?”

Sa saliksik ko, tama si kaibigan sa marami at mali sa ilang inehemplo. Pero napag-isip-isip ko na ang napakabibong kuneho ay hanggang dalawang taon lang, samantalang ang pagong na di lumalabas ng bahay ay umaabot nang 400 taon.

Kunsabagay sa mga bagong survey, sinasabi ng mga seniors na pangunahing sikreto nila ang pagiging masayahin. Pangalawa ay libangan, pangatlo ay pagtulong sa iba, pang-apat ay pahinga, at panghuli ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Hahayaan ko na lang ang kaibigan kong mataba at mabisyo; pampadagdag sa buhay ko.

vuukle comment

KFC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with