Amoy pulitika na sa Abra
Pinatay kamakailan si Robert Villastique, barangay chairman ng Lubong, Bangued, Abra. Kaalyado si Villastique ng kasalukuyang namumuno sa silangang bahagi ng Abra.
Malaking kawalan ang kaalyadong gaya ni Villastique sa foot hold ng mga malalakas na puwersa sa bayan.
Maraming ispekulasyon hinggil sa motibo ng pagpatay kay Villastique. May bahid pulitika man o wala, dapat malaman ng taumbayan kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa barangay chairman.
Ang Bangued, bilang sentro ng kalakal at pulitika ng Abra ay napakahalaga sa mga pulitiko. Kung sino ang may control sa bayang ito, hahakot ng boto ng probinsiya.
Matunog naman ngayon ang political families na Bersamin, Seares at Luna na dati nang nakalaban ng mga nakaupo ngayon sa probinsiya. Umano’y magbabalik pulitika ang mga ito.
Pero sabi ni dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin hindi naman daw siya tatakbo sa anumang elective position sa lalawigan. Ayon sa dating punong mahistrado, iluluklok daw siya sa isang mahalagang posisyon.
Wala naman daw maglalakas-loob na lumaban kay Rep. Joseph “JB” Bernos dahil sa dami ng accomplishments nito.
Abangan ang kapana-panabik na yugto ng pulitika sa Abra. Sana lang, huwag magtapos sa kahindik-hindik na karahasan ang bayang ito.
* * *
Para sa suhestyon: [email protected]
- Latest