^

PSN Opinyon

Pondo ng health workers, nasaan?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ito ang tanong na dapat sagutin ng pamahalaan panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor Danilo Suarez: Saan napunta ang pondo ng Sangguniang Panlalawigan para sa sahod at ibang pangangailangan ng health workers sa probinsya.

May sapat na pondong inilaan para sa lalawigan para sa lahat ng medical equipment na ginagamit sa pagsugpo ng COVID-19 at sahod ng mga medical frontliners. Ayon sa Quezon province website, gumastos ng mahigit sa P102 milyon ang lokal na pamahalaan sa personal services noong 2019 kumpara sa mahigit P88 milyong gastos nito noong 2018.

Pero sa deliberasyon ng 202 b1adyet, natuklasan ni Bokal Sonny Ubana, majority floor leader at pito pang board members na tinagpas ni Quezon Governor Danny Suarez ang badget para sa mga hospital nang mahigit 20 porsiyento maliban sa dalawang ospital na pag-aari ng diumano’y kaalyado niya sa pulitika.

Imbes maglaan nang maraming pondo sa health service, maraming items sa badyet ang inilaan para sa pagpapagawa ng mga kalsada, daan at basketball courts.

Sa pagbusisi ng Sanggunian sa badyet, natuklasan na mayroong P200-300 milyong kuwestyonableng alokasyon na hindi malinaw kung saan pupunta. Ipinagbabawal iyan ng DILG ayon kay Urbana. Mayroon ding nakalaan na P655 milyon ang Tanggapan ng Governor ng Quezon.

Dagdag pa ni Urbana sa panayam sa radyo, walang naiba sa pagkakagastusan ngayon sa lalawigan sa ilalim ng tinatawag na re-enacted budget. Tuloy-tuloy dapat ang pasweldo sa mga empleyado ng kapitolyo, lalo na ang frontliners tulad ng mga health worker.

Kaya dapat sagutin ni Gob: Nasaan ang pondong  para sa mga pangangailangan ng health workers at sa mga personal protective equipments (PPEs) na sadyang pinaglaanan na ng pondo noon pang 2020? Bakit tila yata iniipit ng gobernador ang badyet?

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with