^

PSN Opinyon

Tiyak na si Grace Poe

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

UMAARAY na ang sambayanan sa walang tigil na pagtaas ng gasoline at diesel subalit ang taong dapat ay aak­siyon para mapigilan ang pagtaas ay abala sa pagsu­sulong ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Noong Sabado, inihalal si Energy secretary Alfonso­ Cusi na bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) sa ginanap na National Assembly sa Royce Hotel Clark, Pampanga. Ginawa ito matapos patalsikin si Sen. Manny Pacquiao bilang pangulo­. Si Pacquiao ay nasa US at nagsasanay sa laban kay Errol Spence.

Siguradong sa pagbabalik ni Pacquiao ay magkakaroon ng malaking kaguluhan sa PDP-Laban. May banta si Pacquiao na sa kanyang pagbabalik, ilalantad niya ang mga korapsyon sa pamahalaan. May mga video pa umano si Pacquiao.

Habang nagkakagulo ang PDP-Laban, tinitimbang na ngayon ng mga botante kung sino ang kanilang iluluklok sa 2022 elections. Natunugan ko na sigurado ang panalo ni Sen. Grace Poe kung tatakbo itong bise presidente ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ilan sa mga pangalang lumulutang sa pagka-bise presidente ay sina dating Sen. Bongbong Marcos, dating­ Se­nator Sonny Trillanes, Senate President Tito Sotto, Sen. Richard Gordon, Sen. Bong Go at Sen. Win Gatchalian.

Tiyak kong mananalo si Grace Poe dahil nag-aapoy pa rin ang tatak-FPJ. Maganda ang performance niya sa Senado at walang-bahid na korupsyon. Nakakapagtaka lang kung bakit sa nakalipas na survey, pasok pa rin si Grace sa listahan ng presidential bet kahit sinabi na nito na hindi siya tatakbo sa darating na election.

Take note, hindi siya nagdeklara na hindi siya tatakbo sa pagka-bise presidente.  Pero bakit kaya hindi isinama ng Pulse Asia ang pangalan niya sa pagka-bise presidente? Natatakot ba ang Pulse Asia na aangat ang pangalan ni Grace sa pagka-bise-presidente?

Ang mga bali-balita tungkol sa pagtakbo ni President Duterte sa pagka-bise-presidente ay hindi na siniseryoso. Pabagu-bago kasi siya ng sinasabi. Abangan!

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with