^

PSN Opinyon

Politics of performance vs politics of demolition

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Tatakbo ba sa Presidency si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano? Iyan ang tanong nang marami kasi, bagama’t may mga ugong na tatakbo, tila siya ang pinakatahimik. Walang sinisiraan, walang pinupulaan. Grabe ngayon. Wala pang campaign period pero todo-hataw na ang poli­tical mudslinging.

Mismong si President Duterte ay inuupakan ng kanyang kaalyadong si Sen. Manny Pacquiao. Si Senador Trillanes ay nag-aakusa rin sa Presidente. Okay ang banat ni Trillanes dahil oposisyon siya. Pero wala sa hulog ang kay Pacquiao porke kaalyado siya ni Duterte at lantad ang ambisyong maging Presidente.

Si Cayetano ay isang silent worker. Sa Oktubre pa raw siya magdedesisyon kung tatakbo sa pagka-Pangulo. Aniya, walang mabuting ibubunga ang mga bangayan sa panahon­ ng pandemya.

Heto ang sinasabi kong politics of performance: Mahigit na sa 5,000 ang nakatanggap ng 10,000 ayuda ng Balik sa Tamang Serbisyo sa Kongreso na isinusulong ni Cayetano at mga kaalyado. Layon nito na matanto ng mga kongresista, senador at ng gobyerno na kailangan ng mga tao ngayon ang 10,000 ayuda bilang pang-ahon sa kanilang sitwasyon kaya dapat maisabatas o masali man lang sa Bayanihan 3.

Inilunsad din ang isa pang proyekto na magbibigay ng P3,500 sa may 100,000 na mga sari-sari stores sa buong bansa bilang dagdag puhunan. Nagkaroon na ito ng soft-launching sa Baguio City, Dagupan City, Olongapo City, at maging sa Guiguinto at Calumpit, Bulacan.

May dalawang mayor na sa Central Luzon sa katauhan ni San Fernando City Mayor Edwin Santiago at Tarlac City Mayor Christie Angeles ang nagpahayag ng suporta kung tatakbo man si Cayetano bilang Presidente. Maging si Manay Gina De Venecia ay nanawagan na rin sa mga taga-Pangsinan na suportahan si Cayetano kung anumang posisyon ang tatakbuhan nito dahil sa kabutihan ng puso nito sa ngalan ng pagseserbisyo.

Ngayon pa lang matuto na tayong kilatisin  ang ating  mga susunod na lider. Hindi na sapat ngayon na kilala at sikat ka lang kundi may kakayahang magsilbi sa bayan.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with