^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang katuturan kapag walang Bar at board exams

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang katuturan kapag walang Bar at board exams

BALAK umanong kumandidato ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa darating na 2022 elections. Gayunman, hindi niya sinabi kung anong posisyon ang tatakbuhan. Malamang na kongresista ang kanyang takbuhan dahil may­roon na siyang mga nakaplanong gawin kapag nahalal.

Isa sa mga binanggit na kanyang ipapanukala ay ang pag-aalis sa board examinations para sa nurse at engineer at pati na rin ang Bar exams sa mga nagnanais maging lawyer. Sabi ni Bello, malaking tulong daw sa mga nagtapos ng nursing, engineering at law kung wala nang board at Bar exams. Mahabang panahon na umano ang pinagdaanan ng mga ito sa kolehiyo at kaliwa’t kanan ang examinations na binuno kaya para ano pa at kukuha ng board at Bar exams. Ayon pa sa Labor Secretary, kung wala nang board examination, makakapagtrabaho na agad ang mga ito.

“Dapat alisin na ang mga board exam sa mga engineer, board exam ng mga dentistry, bar exam. Eight years ka nang nag-aaral para maging abogado, pumasa ka na sa exams, kukuha ka pa ng Bar? Tapos magkakamali ka siyempre during the exam medyo sumama ang pakiramdam mo, babagsak ka…nasaan ang katarungan ‘dyan?” tanong ni Bello

Ang pag-aalis sa board exams ay lumutang nang makipag-usap si Bello sa mga opisyal ng iba pang ahen­siya ng pamahalaan sa gitna ng mataas na demand para sa mga Filipino nurses sa ibang bansa. Sabi ni Bello, napakamahal ng gastos sa pagkuha ng nursing at buong panahon ng kanilang pag-aaral ay maraming examinations na ang pinagdaanan ng mga ito. Kaya nararapat na alisin na ang board exams para rito.

Kahit saan tingnan ay hindi maganda kung aalisin ang board exams at bar exams. Walang katuturan kung ang mga kumuha ng nursing, engineering at law ay walang daraanang exam para masabing sila ay ganap na nurse, engineer at abogado. Isa pa, ang pagsubok na ibibigay sa kanila ang magpapakita na dumaan sila sa matinding pag-aaral.

Talagang mahirap ang mag-aral ng apat na taon, lalo pa nga sa mga nag-aral ng abogasya. Talagang bugbog-sarado sila sa pagmemorya. Kaya ang pagkuha ng board at bar exams ang pangwakas para makita kung mayroon silang natutuhan. Dito makikita ang kanilang pinaghirapan.

Maganda ang layunin ni Bello para hindi na mahirapan ang mga estudyante pero walang katuturan kung hindi daraan sa mga pagsubok. Isa pa, maraming graduates ang nais ng board at bar exams. Hindi sila tutol dito.

vuukle comment

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with