^

PSN Opinyon

Bodycams obligahin sa pulis, sundalo, PDEA

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

VIDEO cameras sa dibdib at dashboards. Mahahalagang kagamitan ‘yan ng pulis. Kasing basic ng tsapa, batuta, baril, posas, pen, notebook, at Miranda Rights at Anti-Tor­ture cards. Solidong ebidensiya sa korte ang video footages. Pruweba pa ng pag-abuso sa sibilyan, o ng maling akusas­yon sa pulis ng pag-abuso. Sa pagrepaso ng recordings, mali­­linang ng superiors ang kasanayan at maitutuwid ang mga mali ng tauhan. Mapapahusay ang performance.

Nakatakda sa Philippine National Police Operational Procedures Manual ang mga alituntunin. Saad sa Rule 1 na dapat sila magsilbi at magprotekta ng mamamayan, at respetuhin ang karapatang pantao at dignidad ng sus­pects. Detalyado kung paano sumuporta sa kontra-tero­rismo, mag-aresto, magkumpiska, magligtas, magpapa­yapa ng riot, at mag-imbestiga ng krimen. Sa lahat ng ‘yon­ naka-uniporme dapat ang pulis at bitbit ang mga kagamitan. Kasama ru’n ang videocams. Sa undercover operations lang exempted ang body-cams at dash-cams.

Kung may videocams wala na sanang kontrobersiya sa libong pinatay sa anti-drug operations, sa raids sa mga bahay ng pinaghihinalaang rebeldeng komunista, at sa mga maling enkuwentro ng mga alagad ng batas. Kaya obli­gahin dapat ito sa pulis, sundalo, National Bureau of Inves­tigation, at Philippine Drug Enforcement Agency, ani Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Nung 2017 isinulong nina Recto at noo’y-Senador JV Ejercito ang P5.4-bilyong pondo para sa mga bagong kaga­mitan ng pulis, kasama ang body-cams. Pero maka­­lipas lang ang apat na taon at limang PNP chief nakabili ng 2,600 piraso nu’ng Enero 2021. Naantala ang pagbili dahil sa sablay na biddings. Kung 2,600 ang mabibiling body-cams kada taon, aabot nang 100 taon para mabigyan­ ang bawa’t pulis, iling ni Recto. At 20 taon kung isa sa bawa’t lima lang ang magsusuot ng body-cam sa anumang oras. Pero mura lang ang gadget na ito.

vuukle comment

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with