^

PSN Opinyon

Sayawan, kantahan magno-normal sana

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY mga aktibidad na kailangan ang pagtitipun-tipon: sa­yawan, kantahan, dula, at sports. Malaking tulong ang audio-video conferencing para makasali maski malayo sa aksiyon. Pero iba pa rin kapag naroon mismo sa ballroom o disco, sa concert hall o music bar, sa teatro o sports stadium. Ang sarap umindak sa live music kasama ang marami, maski sa plaza lang ng baryo. Iba ang pakiramdam na mapanood nang aktuwal ang idolong musikero, o mag-videoke nang tabi-tabi. Mas tagos ang tama ng dula kaysa sine o telebisyon. At kailangan naroon ka mismo sa court o field para sa team basketball, football, o volleyball.

Hindi lang naman sex ng nag-iibigan ang tumatanim sa memorya. Marami pang ibang eksena: pangangaral ng magulang o guro, kainan at tunggaan ng barkada, dasalan sa simbahan, trabaho at biyahe. Pati dalamhati at sakuna ay naaalala. Lalo na kung maraming estranghero sa tabi – sa dance floor, sa music concert, sa entablado, at stadium. Sa pagdidikit-dikit ng mga magkakaibigan at estrang­hero, maligaya na.

Hay! Masyadong matagal nang natengga ang marami sa isolation.

Maski bakunahan ang 70% ng tao para magka-herd immunity, dapat pa ring mag-ingat sa COVID-19, anang mga doktor. Ituloy ang pag-face mask at shield, safe distancing, at malimit na paghugas ng kamay. Kaya wala pa rin malalaking umpukan. Sa restoran layu-layo at lihis ang pag-upo. Sa opisina, pabrika, eskuwela, simbahan, bus at tren, panatilihin daw ang anti-infection protocols. Sa hudyat lang daw ng mga eksperto pa lang tayo maari bumalik sa dati.

Kailan ‘yon? At kung dumating ang oras, nariyan pa kaya ang mang-aawit, ang aktor at aktres, at atleta. Baka naman sa tagal nilang nabakante ay nag-saka na lang o nagtinda ng kakanin o nagretiro. At ang mga balakang natin, pupuwede pa ba mag-swing, boogie at tango?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with