^

PSN Opinyon

Culture of ‘idolatry’

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HUWAG tayong magtaka kung bakit marami sa mga nahahalal na opisyal ng pamahalaan ay mga bantog na entertainment celebrities sa showbiz o ibang larangan tulad ng sports. Ito ay dahil sa tinatawag kong “culture of idolatry” na umiiral sa maraming botanteng Pilipino.

Kaya basta sikat at iniidolo ang isang artista o sportsman, walang pasubaling iboboto siya ng kanyang nga fans kapag tumakbo sa anumang posisyon. Hindi pa rin tayo nagbabago at napakababa pa rin ng antas ng ating poli­tical maturity.

Ang siste, kapag nahalal ang isang artista o sports personality at makagawa ng mga kapalpakan tulad ng kama­lian sa pagsasalita ng Ingles o kaya ay magharap ng ka­tawa-tawang panukalang batas, ang mismong lumalait at nagtatawa sa kanya ay ‘yung nga taong bumoto sa kanya.

Kaya ang apela ni Sen. Ping Lacson sa mga botante, huwag magpatangay sa “entertainment” na naibibigay ng isang kumakandidatong celebrity. Hindi na tayo nadala. Masyado nang napasok ng mga taong walang kakayahan ang makinarya ng pamahalaan dahil lamang sa sila ay ini­idolo ng masa.

Mayroon din namang pulitikong galing sa showbiz na magagaling pero hindi lahat. Tama si Ping na ang mga botante ay dapat nang magpakatalino sa pagpili ng kani­lang leader na iboboto. Magkaiba ang showbiz at pagpa­patakbo ng pamahalaan.

Piliin ‘yung may talino at kakayahang mapag-isa ang mga mamamayang watak-watak at masolusyunan ang problema ng ekonomiya at mapuksa ang karalitaan. Ba­gama’t kailangan nating maaliw sa kinakaharap nating mga problema, ‘yung mga ibang nakapagbibigay ng aliw ay huwag na sanang pasukin ang pamamahala sa gobyerno kung wala silang kakayahan na ganitong larangan.

vuukle comment

ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with