^

PSN Opinyon

Licensure exams di dapat alisin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko makita ang lohika ng panukala ni Labor Secretary Silvestre Bello na alisin na ang mga licensure exa­mi­nations sa mga professional tulad ng para sa mga abogado at nurse.

Ang mga propesyon tulad ng abogasya, medisina at nursing ay mga larangan na kailangan ang practitioners na tunay na dalubhasa dahil maselan ang tungkulin na kanilang ginagampanan.

Ito ay eksaherasyon lang pero kung ang isang judge na humahawak sa kaso ng nagnakaw ng cell phone ay hindi dumaan sa bar examination, baka ang akusado ay sentensiyahan niya ng reclusion perpetua. Kung mayroong bitay, baka masentensiyahan din ng ganyang parusa.

Nagpapatawa lang ako pero may mahalagang punto akong gustong bigyang diin. May mga propesyon na kapag­ ginampanan ng taong hindi kuwalipikado ay maaaring may mapahamak.

Posible rin na ang isang nurse na nag-administer ng intravenous injection ay maling ugat ang matusok kung hindi siya dumaan sa licensure examination.

Marami pang ibang propesyon na ang isang practitioner ay dapat sumailalim muna sa pagsusulit bago ma­bigyan ng lisensyang makapagpraktis:

Naririyan ang engineers, architects, certified public accountants at iba pa na sadyang kailangan ang precise skills ng isang taong gumaganap nito. 

Ang katwiran ni Bello, dapat nang alisin ang mga licen­sure exams porke dagdag-gastos sa mga magulang na nagpapaaral ng anak. I beg to disagree.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with