^

PSN Opinyon

Exposè ni Pacman isang moro-moro

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Lumipad na papuntang United States si Sen. Manny Pacquiao para sa kanyang paghahanda sa napi­pintong­ paki­kihamok sa welterweight champion na si Errol Spence­, Jr. Mukhang higit na pinahalagahan ni Pacquiao­ ang kanyang napipintong laban sa Agosto kaysa obligas­yon niya sa bayan.

Ang siste, iniwan niyang nakabitin sa hangin ang kan­yang mga seryosong alegasyon ng katiwalian laban sa admi­nistrasyong Duterte. Matapos magpa-presscon upang iharap ang sangkaterbang dokumento na aniya’y ebiden­siya ng kanyang mga alegasyon, lumisan na siya papuntang US.

Mukhang isang moro-moro ang nangyaring eksposey “kuno” ng pambansang kamao para pumuntos ang admi­nistrasyon. Siyempre, kapag hindi napatunayan ang ale­gasyon, lalong aangat ang partida ng administrasyon para sa nalalapit na eleksyon.

Kaya ang tanong – sinadya bang maglantad ni Pacquiao ng mabababaw na akusasyon na hindi puwedeng patunayan ng ebidensiya para magkaroon na bentahe lalo ang Duterte camp? Napakatusong estratehiya nito. Kaya ang pagbubunyag ni Pacquiao ay binansagan ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi bombang nukleyar kundi “watusi.”

Ang Sabi nga ni Sen. Dick Gordon, paano pa sisiyasatin ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga alegasyon kung matagal mawawala sa bansa si Pacquiao dahil sa kanyang practice?

Tingin ko, nalantad ang tunay na intensyon ni Pacquiao. Ang eksposey niya ay hindi para siraan ang Duterte admin kundi upang lalo itong palakasin para sa darating na eleksiyon. Very good political strategy!

vuukle comment

MANNY PACQUAIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with