^

PSN Opinyon

EDITORYAL - DOLE mag-imbestigasa pinasusuweldo ng barya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - DOLE mag-imbestigasa pinasusuweldo ng barya

Na-shock ang factory worker na si Russel Mañoza nang tanggapin ang kanyang suweldong P1,056 sa isang pabrika sa Valenzuela City noong nakaraang Hunyo 26. Pawang barya ang ibinigay sa kanya ng kahera ng Nexgreen Enterprises. Puro singko at diyes sentimos ang binayad sa kanya.

Sinubukan umano ni Mañoza na ibalik ang mga barya sa kahera at pinapapalitan niya ng mga perang papel subalit tinanggihan siya ng kahera. Walang nagawa si Mañoza kundi umuwi dala ang barya.

Ayon kay Mañoza, bago nangyari iyon, nagreklamo siya at ang iba pang kasamahan sa barangay dahil sa hindi pagpapasahod sa kanila at iyon marahil ang ikinainis ng may-ari.

Mabuti at nalaman ng pinsan ni Mañoza ang pangyayari. Agad nitong piniktyuran ang mga barya at ini-upload sa internet hanggang sa maging viral. Naging usap-usapan at nakarating sa kaalaman ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Ipinatawag ni Gatchalian ang may-ari ng pabrika at nang araw ding iyon ay sinuspinde ang operas­yon ng Nexgreen Enterprises. Ayon kay Gatchalian, may paglabag sa labor practices ang kompanya kabilang ang hindi pagbabayad ng overtime, night differential at holiday pay. May paglabag din umano sa Civil Code Law ang kompanya kabilang ang mayor’s permit at hindi pagbabayad ng buwis.  Humingi ng paumanhin ang may-ari ng pabrika kay Mañoza, pero sabi ng Valenzuela LGU, tuloy ang pagsasampa ng kaso laban dito.

Ang nangyaring ito ay maaaring nagaganap na noon pa pero hindi nabubulgar. Salamat sa social media dahil madaling nabubuking ang masamang gawain ng mga kompanya sa kanilang mga manggagawa. Barya na nga ang suweldo ng mga manggagawa ay, “binarya” pa.

I-monitor ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kompanyang walang malasakit at nang-iinsulto sa kanilang manggagawa sa pamamagitan ng pagpapasuweldo ng barya. Maaaring marami pang kompanya at establisimento ang gumagawa nito.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with