^

PSN Opinyon

Ayon sa kampo ni Pacman: Plan A pa lang ang nakikita ng publiko

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nag-aalala sa gulong nangyayari sa loob ng PDP-Laban. Nagpalitan na ng maanghang na salita si Pres. Rodrigo Duterte at Sen. Manny Pacquiao.

Mismong sa loob ng kampo ng PDP-Laban, marami umano ang nagagalit at naiinis sa inaasal at pinagsasabi ni Sen. Pacman.

Ayon sa isang source, alam na umano ng kampo ni Sen. Pacman na siya ay patatalsikin sa Partido bago dumating ang eleksiyon. Kaya naman daw ngayon pa lamang ay nag­sasalita na ang senador.

Anang aking source, “Mr. Ben, alam naming tinatrabaho pailalim  si Sen. Pacquiao sa loob.” ‘Yung mga nasa ibaba umano na tao ni dating PGMA ang gumigiba dahil ayaw nila sa senador – kung anuman ang kadahilanan ay sila-sila lang ang nakakaalam.

The writing is on the wall kaya naman nakakasa na raw ang Plan A, Plan B at Plan C ng kanilang kampo.

Tila, bilang boksingero ay lumalaban si Sen. Pacman sa mga gumigiba sa kanya sa ibaba. Para bagang for every defence there is corresponding offense.

Ang tanong ko, bakit hindi na lang ayusin at kailangan pang umabot sa ganito. “Eh Mr. Ben, hindi naman ang Pangulo ang kaaway namin dito kundi ang mga taong naka­paligid sa kanya. Kaya talagang magsasalita kami”

Sunod kong tanong – bakit kaya hindi na lang umalis ng partido si Sen. Pacman at puwede naman niyang sabihin na iba ang kaniyang prinsipyo sa takbo ng grupo? Kumbaga, umalis ng tahimik at maayos?

Hindi na nasagot ang katanungan kong ito. Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko na habang nangyayari ang kaguluhang ito, hindi ba apektado ang senador na kasalukuyang nagti-training ngayon sa Amerika?

Sa ngayon daw kasi, Plan A pa lang ang nakikita ng publiko – wala pa ang Plan B at Plan C. Ang bottomline, alam na nilang aabot sa puntong sisipain talaga ang senador sa partido kaya’t ngayon pa lamang ay nagsasalita na ito.

Kasalukuyan, umaawat naman raw si Sen. Koko Pimentel sa sigalot na ito. Subalit kulang pa yata at hindi epektibo dahil nauuwi sa giyera ang sitwasyon.

Ang isa pang bulong na nakaabot sa akin, hindi raw takot ang senador na sibakin siya sa partido. Dahil marami itong hawak na alas!

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with