^

PSN Opinyon

Paano dumesisyon ang mga Pangulo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Iba’t iba ang paraan ng mga Pangulo kung dume­sisyon. Si Cory Aquino nu’ng una pinupulong ang Ca­binet at, sa botohan ng lahat, pinapasya ang mga isyung kabuhayan, seguridad at ugnayang panlabas. Pati secretaries na walang kinalaman sa ekonomiya o militar o relasyon sa ibang bansa ay nakikigulo. Sa kabilang dako pinapayuhan siya ng executive secretary ng mga dapat iutos agad para maharap ang anumang lumilitaw na krisis.

Bihasa sa burokrasya si Fidel Ramos bilang dating hepe ng DND, AFP at PC-INP. Batay sa hiwalay o grupong payo ng national security adviser o presidential chief legal counsel dinidirekta niya ang Cabinet. Kinaibigan niya ang Senate President at Speaker. Masipag siyang mag­basa ng reports sa kahon ng gatas sa tabi niya sa presidential limo o jet.

Nasira si Joseph Estrada ng “midnight cabinet”. Ito ang mga kainuman at ka-mahjong magdamag na nagpabalato nang malalaking kontrata sa gobyerno at nag-abot ng kickback. Tuloy, nasentensiyahan siya ng plunder sa tobacco taxes, jueteng, at stock market mani­pulation.

Micro-manager si Gloria Macapagal Arroyo. Pati maliliit o isolated na isyu ay naging pambansa. Nu’ng mapatay ng ROTC administrator ang isang kadete sa Manila, inalis niya ang ROTC sa buong bansa. Nawalan­ ng civic at military training ang mga mag-aaral sa kolehiyo. Nasisi siya sa NBN-ZTE at chopper scams ng esposo.

Pinagtunggali ni Noynoy Aquino ang mga paksiyon ng Liberal at ng executive secretary. May mga mabuting idinulot pero mas maraming masama. Napabayaan ang maraming proyekto, lalo na ang MRT-3.

Pinuno ni Rody Duterte ng mga heneral ang Cabinet­. Masunurin daw kasi. Problema ay hindi nila gagap ang buhay sibilyan. Sa lockdown kontra COVID-19 hindi ina­lintana ang hanapbuhay ng mamamayan. Hayun, nawasak ang ekonomiya, ‘di tulad sa Taiwan, Thailand at Vietnam. Pinagtatakpan ni Duterte ang mga tiwaling appointees; karamihan ng mga sinisibak ay mga mabababang opisyal.

vuukle comment

CORY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with