^

PSN Opinyon

Kaalyado ngayon, kaaway na bukas

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa pulitika, walang totoong alyansa o pagkakaibigan. Ang inaakala mong kaalyado ngayon ay maaaring kalaban mo na bukas. Lalong napapatunayan ang katotohanan nito kapag nalalapit ang eleksiyon. Mismong magka­ka­alyado ang nagsisimulang magbatuhan ng putik.

Si Sen. Manny Pacquiao ay masugid na kaalyado ni Presidente Duterte. Kapwa sila bahagi ng namumunong partidong PDP-Laban. Pero nitong mga nakaraang araw, nagsimula nang batikusin ni Pacquiao ang katiwalian ng Duterte administration na aniya’y tatlong beses pang masahol sa katiwalian ng nakaraang Aquino administration.

Kumasa si Pacquiao sa hamon ng Presidente na panga­lanan ang tinutukoy niyang corrupt sa administrasyon na aniya’y aaksyunan niya. Walang gatol na tinuran ng senador ang Department of Health at kinuwestyon kung nasaan na ang bilyun-bilyong pisong inutang ng Pilipinas para tugunan ang COVID pandemic.

Noon nagsisimula pa lang ang pandemya ay walang habas na binabatikos si Health Sec. Francisco Duque sa sari-saring anomalya katulad ng mga overpricing sa mga kagamitang kailangan sa pagtugon sa pandemya. Pero mukhang “sacred cow” si Duque. Tahasan pang sinabi ng Presidente na si Duque ay dati nang mayaman kaya hindi gagawa ng anomalya. Noong isang taon pa yaon.

Bakit ngayon lang ito ibinubunyag ni Pacquiao? Kung tapat ang kanyang paglalantad, dapat noon pa niya ginawa at hindi ngayong malapit na ang paghaharap ng Certificate of Candidacy para sa Presidential elections sa Mayo ng darating na taon.

Sasaluduhan ko ang anumang exposè laban sa administrasyon lalo pa’t isang kaalyado ang gumagawa nito. Pero iyan ay kung tama ang motibo. Pero sa tingin ko, malinaw na ang motibo ni Pacquiao ay upang makakuha ng “pogi points” na mag-aangat sa kanyang popularidad bilang presidential candidate.

Sa isang banda, tama pa rin ang pagpuna ni Pacquiao sa anomalya ng Duterte administration kahit na noon pa ay batid na ito. Baka sakaling magising ang Presidente at umaksyon na sa katiwalian na malaon nang napapansin.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with