^

PSN Opinyon

Huwag armasan ang mga sibilyan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sabi ng Malacañang, hindi pa naman pinal ang konsepto ng pag-aarmas sa mga civilian volunteer groups na tutulong sa pagsugpo ng krimen. Huwag muna raw tayong mag-react kung tayo ay tutol.

Dapat talaga na ngayon pa lang ay ipahayag na natin ang pagsalungat sa ideyang ito na maghihikayat lang sa mga sibilyan para gumamit ng sandata kapag uminit ang ulo. Kasi kung hindi tayo kikibo, malamang maaprubahan iyan sa isang iglap.

Ginawa na iyan sa ilang lalawigan noong araw para labanan ang mga komunistang rebelde. Itinatag ang tina­tawag na Citizens Armed Force Geographical Units (CAFGU) na kalaunan ay naging private armies ng mga pulitiko. Kapag ginawang pambansa ang iskemang nito, magiging maligalig ang bansa.

‘Yun ngang ibang mga pulis mismo na sumailalim sa pagsasanay at psychological test ay pumapatay ng walang­ habas, paano pa kaya ang mga sibilyan na walang police training? At kahit idaan pa sa karampatang pagsa­sanay, paano matitiyak kung ang mga ito’y hindi aabuso­?

Ano’ng alternatibo ang dapat gawin kung gayon? Eh di mag-recruit na lang ang pamahalaan at magsanay ng mga bagong pulis sa halip na mag-deputize ng mga sibilyan para gumawa ng police work?

Pero isailalim ang mga kukuning bagong alagad ng batas sa masinsing pagpili para hindi maisali ‘yung mga hindi karapat-dapat na malamang dumagdag lang sa hanay ng mga scalawag sa serbisyo. Ang paggigiit na armasan ang sibilyan ay pag-amin na ang ating pulisya ay inutil.

vuukle comment

CAFGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with